Martes, Abril 9, 2013

UHAW


(Mula sa malikot na isipan ni Love Esios at Uel Ceballos)

Uhaw ang lalamunan,
giniginaw ang buong katawan.
Nanginginig sa maalinsangang gabi
nag-iisip sa kawalan.
Nag-uunahan, tagaktak ng pawis,
sa loob, ang puso'y nangungulila ng labis.
Tumitibok sa mga katanungang hindi mabigyan ng sagot,
kumikirot ang kalooban sa hindi mawaring poot!
Bawat hibla ng katawan, nagsusumamo, sumisigaw...
Patirin mo nawa ang matinding pagkauhaw!
Subalit alingawngaw lamang ang tanging sumagot,
hanggang sa ang sigaw ay unti-unting naging bulong...

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento