Isinulat ni: Raquel “Uel” Gravador Ceballos
©2013
ACT 1
Nagkakasiyahan ang lahat, maraming
bisita sa bahay ni Anton, mayroong kumakain at nag-iinom sa kusina hanggang sa
sala may mga nagsasayawan. Nakaayos ang strobe light at nasa disco mood ang
lahat, may mga dekorasyon ng ballons sa buong bahay, sumasabog sa lakas ang
speaker na puro pang-club na music ang pinatutugtog.
Jeri: This is life! Let’s drink and
party harder my friends!! Cheers!
(Nasa gitna
ng entablado, hawak ang baso ng wine sa kaliwang kamay at e-cigarette sa kanang
kamay, medyo bangag na pero hindi pa lubusang lasing)
Ashley: That’s right, let’s drink ourselves to
death, thanks to Anton for throwing a house party like this. Minsan talaga
magandang nabo-broken hearted ang friend natin na ‘to. (Lalapitan at aakbayan si Anton na nakatulalang nakaupo sa sofa, hawak
ang cellphone)
Anton: (Mapapahikbi
na nang tuluyan sa sinabi ni Ashley)
Siraulo ka palang gaga ka e, kaibigan ba talaga
kita?! Nasaktan na nga ako at niloko parang natutuwa ka pa. Ang gusto ko lang
naman talaga uminom at maglasing, pero hindi ko sinabing gawin ninyong Opus,
Republiq o Imperial itong bahay ko mga bruha kayo! (Hahagulgol) Hindi ko kayang makita ang mga sumasayaw na ilaw na
yan (Isi-switch off ang strobe light),
ang malakas na tugtugan (Papatayin ang
music), pakiramdam ko nagsasaya ang mundo habang ako, ako naman nagdurusa
nang ganito!! Bakit ako!
(Sukdulang emosyon ang ipapakita ni Anton,
magbabago ang timpla ng ilaw, mangungulimlim ang ilaw ng paligid at magkakaroon
ng spotlight kay Anton)
Karren: And the best actor award goes to……! (Maririnig ang malakas na drumroll at
mabubuhay ang strobe lights)
Anton: (Lalakas ang hagulgol) Bakiiittt
aaakkooo!!!! (Lalong lalakas ang
drumroll)
(Lalapit
si Jeri at babatukan ng ubod lakas si Anton)
Jeri: HOY!!
Echoserang bakla, kahit kelan hindi mo matatalbugan si Eugene Domingo sa arte
mong yan!
Anton: Punyeta, masakit yun ha! Baka
nakakalimot ka Jeri Mae you’re here in my house and I can send you out of here
anytime (nagngangalit ang tinig) and
correction hindi si Eugene Domingo ang ginagaya ko, si Angelica! … dahil ang
pera ko hindi basta basta mauubos pero ang pasensiya ko, konting-konti na lang!
(sa tono ni Ate guy).
Ashley: Akala
ko si Roderick Paulate.
Jeri: Vice Ganda naman te! (balik kay Anton) E kasi naman, ilang
beses ka na naming binalaan dyan sa lalaking yan hindi ka pa rin nakinig. Kami
pa ‘tong mga kaibigan mo ang itinuring mong kontrabida. Sa huli sino bang
karamay mo? Kami! And where’s that fucking bisexual, hah?! Naturingan ka pa
namang sikat na designer tapos sa isang baklang hindi ka-gwapuhan ka lang
magpapaka-losyang nang ganyan!
Anton: Shut up! YOU DON’T DO THAT TO ME! I
don’t give you the right to talk shit about him. Palibahasa parati kang
niloloko at iniiwan nang mga nagiging lalaki mo!
Jeri: The hell I care! Hindi ko
kailangan ng lalaki, at hindi mo rin kailangan Anton, ikaw rin Ashley hindi mo
kailangan, hindi natin kailangan. We can survive without a man in our lives,
we’re independent, we’re earning higher than most of them, we’re matured enough
to understand life, and we don’t play around like those easy going nuts. YOU
UNDERSTAND? WE DON’T NEED A MAN!!
(Sabay biglang talikod kay Anton papunta sa
kaliwang labasan ng entablado pero biglang magugulat sa lalaking kanina pa pala
nakatayo sa likod niya)
Jeri: And
who are you?
Victor:
I’m Victor. And I’m looking for my cousin Anton, this is his house if I’m not
mistaken.
Anton: Hi Victor! Bakit late ka na dumating?
Kanina ka pa hinihintay ng mga friends ko sabi ko may sorpresa ako sa kanila.
Victor: I came here because I know you’re not
okay insan. Sabi ko naman sa’yo masama ang kutob ko d’yan sa Matthew na yan.
He’s not serious about you, niloko ka lang niya.
Jeri: Yun na nga ang sinasabi ko d’yan
sa pinsan mo na yan, ayaw naman makinig, hay naku, pag-ibig talaga nangangain
ng tanga.
Victor: Insan,
who’s this crazy babbling lady here? (Pabulong)
Anton: Matino naman yan, nakarami na kasi nang
na-inom kaya ganyan. Hoy Jeri halika nga dito, pakilala kita sa pinsan ko. Jeri
si Victor, siya yung architect ko na pinsan, insan, si Jeri, sabik sa lalaki ‘yan
di lang halata.
Victor: Safe bang makipag-handshake sa’yo,
kanina kasi para kang tigreng nakawala. (Akmang
makikipag-kamay)
Jeri: Oo naman, mas safe ang mga
katulad naming nag-iingay at sumisigaw kesa sa mga nanahimik lang pero yun pala
nangangagat. Nice to meet you, matagal ka nang nakukwento samin ni Anton. (makikipag-kamay kay Anton)
Victor: I
hope hindi negative lahat ng mga kwento nitong pinsan ko.
Anton: Of course not! Kumain ka na muna,
mamaya lalasingin ka ng mga girls kaya magready ka na ha. O guys, tama na ang
dramahan, the night is young, let’s party, party!
Tuloy ang
maingay na tugtugan at patay-sinding ilaw, magsasayawan ang lahat ng tao sa
entablado habang nagtatawanan, nagkukwentuhan, naghaharutan.
Mula sa nagkakasayahang mga tao, hihiwalay sina
Jeri at Victor, parehong may hawak na bote ng serbesa, nagtatawanan, halatang
nakararami na nang naiinom.
Victor: Ngayon ko lang nalaman na may mga
interesting friends pala si Anton. Akala ko kasi puro mga user friendly na homo
lang ang nakakasalamuha nun.
Jeri: Hindi naman, may mga user
friendly din siyang girl friends. Okay ka din naman palang kasama Victor, sa
unang tingin ko kasi sayo mukha kang mayabang, hindi naman pala. Cheers to our
new friendship!
(Bahagyang
mag-uuntugan ang mga boteng hawak nila para sa isang cheers at sabay iinom,
mapapatitig si Victor sa boteng hawak ni Jeri)
Jeri: O,
what’s wrong? Bakit natulala ka bigla. (Mapapatingin
din sa boteng hawak niya)
Victor: Nothing.
You’re drinking straight from the bottle. Women usually pour it in a glass with
ice. It’s a sexier act for me.
Jeri: Straight
from the bottle or from a glass with ice, it’s just the same beer. So what’s the
difference? Nawawala ang tunay na ispiritu ng beer kapag nahahaluan na ng yelo,
kumbaga sa sabaw lumalabnaw. At isa pa hindi naman ako nagpapa-sexy sa harap
mo!
Victor: The way you drink it, that’s the
difference. Malay mo mas masarap pala kapag ininom mo mula sa baso.
Jeri: Nasubukan
ko nang uminom ng beer mula sa basong may yelo, lalo ko lang na-realize na mas
masarap pala talaga kapag diretso mula sa bote, wala nang salin-salin pa.
Victor: You look smart and independent, sa
tingin ko lahat ng bagay gusto mong nakukuha ng madalian. (Mapapailing) Mahirap yan.
Jeri: And what are you trying to say
huh? Sabihin na nating I don’t like wasting time. There are things that we can
do in just a matter of minutes but some people spend almost an hour doing it, such
a waste di’ba, why not just look for a better short cut? If a plan look like
it’s not gonna work, and you’re done already with the first try then push it no
longer, go for the next option, change the approach, improve the strategy.
That’s how we work in Marketing, the time won’t give a shit to stop and wait
for us, while we’re busy figuring out why something’s not working, greater
opportunity will slip right under our nose and it will be too late before we realize
that we’re already lagging behind our competitors.
Victor: Well
that’s your style--
Jeri: It should be the right style.
When good opportunity comes, grab it. When it didn’t work, drop it! Don’t make
things complicated. (Sabay tungga ulit sa
bote ng beer, medyo napapagewang na sa kinatatayuan, senyales na sobra sobra na
ang naiinom)
Victor: And
now you’re getting more interesting to me Jeri…ganyan ka rin ba pagdating sa
relasyon? (Unti-unting lumalapit kay Jeri)
Jeri: I
don’t believe in a relationship. (Sa
tonong tipsy na)
Victor: Ligawan
kaya kita— (Mas lalong lumalapit kay
Jeri)
Jeri: Mas
lalong hindi ako naniniwala sa ligawan.
Victor: So
gusto mo tayo na agad. (Sobrang lapit na
kay Jeri)
Jeri: (Matitigilan, saka bigla kakawala kay Victor) Are you trying to
play around Victor, I’m not in for the game. Maghanap ka na lang ng ibang
lalandiin d’yan.
Victor: (Matatawa)
Kanina ang tapang-tapang mo, ngayong nag-iba ang usapan bigla kang naging
maamong tupa. Are you affected by my presence, Ms. Marketing Manager? Don’t you
realize that a good catch might be slipping under your nose, huh?
Jeri: And
now you’re trying to seduce me.
Victor: Why
are you seducible?
Magbabago ang ilaw sa entablado, maririnig
ang sensual na musika at magdidilim ang paligid. Sina Jeri at Victor lang ang
may ilaw at habang magkayap dahan-dahan sila mapupunta sa kanang bahagi ng
entablado kung saan may nakaayos na higaan, sa bahaging iyon mapopokus ang
ilaw, ipapakita ang dahan dahang paghahalikan at pagtanggal ng damit, saka
mamamatay ang ilaw sa entablado. Tuloy ang na maririnig ang musika at kasabay niyon,maririnig ang boses
ni Jeri.
Jeri
(voice over): My friends and I,
we’re all self-confessed, happy go lucky people. We enjoy life as much as we
could. “Let’s party while we’re young”. That’s our motto in life. Ang dahilan namin,
we’re just enjoying the fruits of our labor. We’re working really, really hard,
so that’s a great reason for us to drink and dance even harder. At some point,
we get to be very ideal with our plans, philosophy and belief in life,
especially when it comes to love… But there are special cases, wherein we just choose
to go with flow of some whimsical moments that take place in our life… those
spur of the moment event that could flip our belief in a complete 360-degree
turn…just like what happened now.
Muling magbubukas ang ilaw sa
entablado, makikitang nakahiga si Victor at nagyoyosi si Jeri habang nakatapis
lamang ito ng kumot. Babalikwas si Victor.
Victor: I
couldn’t believe it, you were still a virgin at that age of 25.
Jeri: Well,
hindi na starting tonight. And you know what, it’s always better to believe the
unbelievable and expect the most unexpected.
Victor: So
tayo na niyan ngayon Jeri.
Jeri: I
don’t think we’re both game for commitment Victor. I can see it clearly in your
eyes.
Victor: Yun nga ba ang dahilan o ayaw mo lang
masira ang good image mo sa mga tao. Ano nga naman ang sasabihin ng iba ‘pag
nalaman nilang Si Jeri Mae Asuncion, a young career-oriented professional, well
respected and given high appraisal for her excellence in field of marketing and
PR, will be engaged in a relationship with a self acclaimed womanizer whom she has
just met in the party.
Jeri: And
why do they need to know about that.
Victor: Kaya nga hindi pwedeng maging tayo.
But we can still be friends Jeri, we can be good friends. (Muling hahalikan ni Victor si Jeri at maririnig muli ang musika sabay
magdidilim ang buong entablado)
ACT 2
Magliliwanag sa bahagi ng entablado
kung saan nakaayos ang isang bar, magkausap sina Ashley at Karren habang
umiinom. Hinihintay si Jeri.
Ashley: ..At ito pa, alam mo ba naiinis ako kay
Joey, magtetext-text sa’kin na “Ash I still love you” pero makikita mo sa FB
niya yung picture nila ng GF niya na 29 years old! Imagine, pinagpalit niya ko
sa 29 years old! 23 lang si Joey, it’s a 6 years gap!
Karren: Age doesn’t matter nga daw. Saka ikaw
na ang Chinese na, mayaman pa, at in fairness may itsura pa ha.
Ashley: Anong may itsura?! Chubby naman. Hindi
ko talaga lubos maisip na mas pinili ni Joey maging girlfriend yun.
Karren: Baka mas magaling sayo Ash, sabi mo
diba pareho silang nagku-culinary, malamang masarap yung mga pinapakain niya
kay Joey, mga tipong pang-International cuisine, ikaw kasi local lang yang
pinapatikim mo, hahahaha! Saka kung pumatol siya sa mas matanda, malamang
nag-iba na siya ng preference, ayaw niya na sa mga nagpapa-cute at nagbe-baby
talk na katulad mo!
Ashley: Bakit,
matured naman ako ha…
Karren: Saan
sa kama!
Ashley: Sa tingin mo mahal niya yung babae?
Hmp, hindi rin, bakit niya ko itetext ng ganun kung mahal niya talaga yung
babae…
Karren: Joey is just 23 years old, kalakasan
nang paglalaro ng mga lalake ang ganyang edad. It’s really hard to tell when
they’re in love or not.
Ashley: Kunsabagay…you know what followed after
that “I still love you text”? …“Ash, Queen’s court tayo”!! Aargh…I’m tired of
this set up mare, there’s more to life than sex!
Karren: So
you mean, you won’t give in to his flirting?
Ashley: (Pa-cute na tono) Hmmm…depende pa rin..(Sabay magtatawanan ulit ng malakas ang
dalawa)
Karren: Hahaha.. loka-loka ka talaga
Ashley..Asan na ba yang si Jeri, sagot niya ‘tong iniinom natin diba? Malamang
napa-OT na naman, whore-kaholic talaga! (Sabay
magtatawanan ang dalawa)!
Jeri: Excuse me! Who’s whore-kaholic?
You’re calling me the name that should be all yours, crazy, biatch!
(Mapapatili
si Ashley at magsasalita ng mabilis)
Ashley: Jeri! Finally you’re here, marami kang
ikukwento sa’min, bakit ba bigla kayong nawala ni Victor nung party ha?!
Nag-sex ba kayo?
(Mabilis ding sagot)
Jeri: Oo.
(Mapapasigaw
ang dalawang kaibigan)
Karren at Ashley: Aaahhhh! Nagsex kayo?! AS IN
S-E-X! SEX!
(Matitigilan
ang tatlo at mapapatingin sa paligid nila)
Jeri: Kelangan
isinisigaw ha, OO NAGSEX KAMI, NAGSEX KAMI! Masaya na, Masaya na kayo?
Karren: Sooo
how was it? Hmmmm….
(Matatahimik
muna sandali at mapapabuntong hininga)
Ashley: How
was the first time Jeri?
Jeri: (Magpapakawala ulit ng buntong hininga) Aaahh…Putang-ina mare, ang
sakit!!! Ganun pala ang pakiramdam na madevirginize, para kang pinupunit!
Ashley: Gaga, pinupunit naman talaga yung hymen
mo nun. Pinag-aaralan kaya sa Science yun. So nakailang round kayo ha? (Boses na parang kinikiliti)
Jeri: Dalawa..
Karren: Yummy
ba?
Jeri: Hmmm…Yummy
mare, panalo! (Magtatawanan ulit ang
tatlo at magtitilian)
Karren: So ano nang status niyong dalawa mare,
kayo na ba o simply complicated lang, yung tipong friends with benefits, FUBU,
Unofficially yours!
Jeri: You know me mga mare! I enjoy
exploring new things, for all my past relationships, I’ve been tired of being
mabait and ideal. Lahat sila pare-pareho, same things always happened, it’s the
five fucking words that always destruct my world, the it’s-not-you-it’s-me
reasoning. Lahat sila akala nila sorry is all enough, ano ganun na lang yun
after investing your time and effort sa isang relationship, sorry!
Ashley: Kasi naman, yung huling bf mo, isang
taon na kayo wala pa ring nangyayari sa inyo! Iiwan ka talaga ng lalaki niyan
‘pag ganyan ka, masyadong conventional. Hindi na uso ang virgin ngayon Jeri,
Jeri: Kelangan ba talaga may ganun,
no.1 requirement?! Well anyway, for a change mars, I’m gonna play this guys’
game. No strings attached.
Karren: Sigurado ka ba d’yan, anyway kung
playtime lang ang habol mo, Victor is the perfect person. Just keep in mind
Jeri ha, no. 1 rule bawal mainlove. Matatalo ka ‘pag nahulog ka.
Jeri: I
swear I won’t! I won’t fall in love with that Victor. So there, let’s drink to
that. Cheers!
Karren & Ashley: Cheers!
(Lalakas
ang tugtugan at magdidilim ang buong entablado. Blackout.)
ACT 3
(Naghihintay si Victor sa loob ng coffee
shop. Nakaupo sa harapan ng kanyang laptop habang nakikipag-usap sa kanyang
cellphone. Hindi nito mamamalayang nasa likod na niya si Jeri)
Victor: Ok that would be fine, 7PM on Monday
night. Yes Alberto, I’m working on it already. Everything’s going according to
our agreement. I’m making it sure that I will recommend to you the best
materials for the project. About the contractors, I will discuss that to you on
Monday, you don’t have to worry at all, I have worked with these people for the
nth time and the result is always awesome. Yes, yes, see you Monday night.
Alright, bye.
(Muling haharap sa Laptop at magugulat na
lamang ito dahil biglang mauupo si Jeri sa katapat niyang upuan)
Jeri: Still working at this hour? Ikaw
na ang masipag.
Victor: Hi, nandiyan ka na pala. (tatayo at dadampian ng halik si Jeri sa
labi). Akala ko hindi ka na magpapakita sa’kin, hindi mo kasi sinasagot ang
mga tawag ko. Kung magrereply ka naman sa text, aabutin muna nang isang buong
araw, minsan dalawa pa.
Jeri: We’re not obliged, right? By the
way, you’re a registered architect pala.
Victor: Yes. I accept design and build
service, bakit magpapagawa ka ba ng bahay. Since you’re my friend I can give
you an extra service, we can discuss that somewhere else. (Sabay hahawak sa kamay ni Jeri)
Jeri: (Mapapangiti muna at saka babawiin ang kamay) How does it feel
designing and building a house for someone else? Baka naman tina-taga mo lang
sa singil yung mga kliyente mo like other architects I know. Kokontsabahin nila
yung mga contractors and suppliers na kilala nila, and they will charge the
client ng sobrang mahal.
Victor: Ganun ba ang dating ko sa’yo..Hmm…
you know what, I was raised from a broken family so every time I design and
build a house, I always think that I’m helping to build a happy home, a home
that I never had. Malabong gawin ko yung sinasabi mo, I value my profession
more than I value the girls I’m sleeping with. (Matatahimik) Hope I didn’t offend you on that.
Jeri: No worries, I value my
profession the same way that you do. How about building a happy home of your
own? Did you ever consider that?
Victor: Not so far. May pananagutan sa batas
kaming mga Registered Architect, for 15 years, we have to make sure na maayos,
matibay at matiwasay ang bahay na itinayo namin. 15 years na pananagutan, why
would I add a lifetime commitment by building my own home? I just can’t imagine myself as a family man.
Jeri: Hindi na ko nagtataka sa mga
lalaking katulad mo na ayaw magpatali.
Victor: But you know what, this time might be
different Jeri. (Hahawakan ang kamay ni
Jeri)
Jeri: You wouldn’t want to build a
home with me Victor.
Victor: We
will never know…
(Muling tutugtog ang pangromansang
tugtugin at unti-unting magdidilim ang ilaw sa entablado)
ACT 4
Sa pagdidilim ng ilaw sa bahagi nila Jeri
at Victor ay magliliwanag namang ang kabilang bahagi ng entablado kung saan
naroroon sina Anton at Ashley. Nakaayos ang isang lugar ng gay bar at makikitang
nagsasayaw sa pabilog na entablado ang isang macho dancer. Ipakikita ang nang-aaliw
nitong paggiling at ipapakitang bababa ito sa sinasayawang entablado para
lumapit sa mesa nila Anton, maririnig ang hiyawan ng mga tao, dudukot si Anton
sa wallet at bahagyang didilim ang ilaw sa bar kasabay ng pag-ipit ni Anton ng
limang daang piso sa brief ng dancer. Babalik na ito sa stage at unti-unting
hihina ang musika at masesentro ang ilaw kina Anton at Ashley.
Anton and Ashley:
Cheers!!! (Sabay tungga sa tag-isang shot
ng tequila)
Anton: Infairness ‘te, may arrive si kuya!
Ashley: Ano? Ite-table na ba natin?
Ipapa-reserve ko na dun sa manager.
Anton: Ay wit na ate! Another limang daan pa
yan, tatabihan ka lang, magbabayad ka pa! Kaya nga kita isinama dito para hindi
na ko umorder pa ng makakausap.
Ashley: So ayaw mo? Fine, ako na lang ang
magte-table sa kanya, Amanda!
(Sinesenyasan na ang bading na manager ng bar)
Anton: Ano ba bru! Nakakainis ka naman e!
Ashley: Biro lang, eto naman hindi na mabiro. Hindi
ko type si kuya, masyado kasing ma-muscle yung katawan niya, parang lahat na
lang sa kanya matigas.
Anton: Bakit ayaw mo ba nun?
Ashley: Gusto ko isang bahagi lang niyang yung
naninigas. (sabay magtatawanan ang
dalawa)
Anton: Baliw ka talaga! Palibhasa mahilig ka
sa mga chubby guys, napansin ko sa mga boylet mo laging may umaalog-alog sa
tiyan! Yung kulang na lang sumo wrestler na at pwede nang isabak sa laban.
Ashley: Over ka naman, baby fats yun! At saka
nagiging wrestler namang talaga yung mga yun… ‘pag kasama nila ko, hmm, alam na!
Masarap kasi yung napipisil-pisil mo yung lovey mo sa kahit na anong parte ng
katawan niya. Pero teka, kamusta ka na ba? Bakit bigla ka namang nagyaya dito
sa lugar na ‘to? Dito kayo unang nagkakilala ni Matthew di’ba? Ano ‘to,
nagrereminisce ka?
Anton: Haay! Yes, I remember that moment..
That was 4 years ago, brokenhearted ako sa jowa ko that time, si Jorge remember
him?
Ashley: Yes of course! Yung jowa mong mukhang
paa! Madalas magtext sa’min ng “Eow poh, khasamah niow pow bah si lalabs
ngayon, pasabi poh miss ko na siya poh, tnx pow!
Anton: Grabe ka naman!
Ashley: O bakit?! Totoo naman diba, iyang
ikina-gwapo mong bakla ka e siya namang ikina-pangit ng jejemon mong jowa na
mukhang paang may alipunga!
Anton: Kahit ganun yun minahal ko yun at
minahal din niya ko.
Ashley: E bakit ipinagpalit ka sa baklang mas
pangit pa sa kanya?!
Anton: Anong magagawa ko kung loyal siya sa
lahi nilang ipinaglihi sa kangaroo! Palibhasa that time purita pa ang lola mo
kaya ayun ipinagpalit ako sa matandang faggot na mapera. It proves only that at
the end of the line, most of us will choose to settle with someone who can
provide us security. Haay, past is past! Anyway, si Matthew naman ang issue
dito. Pareho kaming brokenhearted that time. Ang dramatic nga ng eksena, yung tipong
nandito ako sa table na ‘to tapos siya nandun sa kabilang table, tapos biglang
tumugtog yung Bleeding Love ni Leona Lewis.
(Maririnig ngang tutugtog ang Bleeding Love) In slow motion bigla kaming
nagkatinginan, matagal na titigan, tapos bigla siyang tumayo at naglakad
papunta sa’kin sabay sabing.. “Hi, I’m Matthew, I feel so lonely, can I share
the night with you,” (sabay lalakas ang
Bleeding love na music habang kumikislap-kislap ang mga mata ni Romel sa
pag-alala)
Ashley: Hoy! Itigil mo na yan, kaya ka nabi-bleed
sa bandang huli, masyado kang hopeless romantic. Hinay-hinay din kasi te!
Anton: Hinay-hinay?! 4 years of relationship
te, kulang na lang isa sa’min magpakabit ng matres at pwede na kaming bumuo ng
isang masaya at magandang pamilya. Ang saya-saya pa namin nun, very ideal ang
relasyon namin. Halos wala kaming mga bagay na pinagtatalunan, hindi nga kami
dumating sa puntong nag-away kami ng sobrang seryoso. Hindi kasi kami ma-pride
kaya yung mga tampuhan ang bilis lang naming naaayos, masigasig pa kami
mag-ipon para sana sa future…balak namin makapag-abroad soon para dun niya na itutuloy
yung career niya as Engineer, at ako naman as Designer ---
Ashley: Masyado naman kasing too-good-to-be-true
ang relationship niyo bakla! Kita mo yan, for four years you have never been
into a serious fight, you have never been challenged so ayan imbes na tumatag,
pumurol lang yung relasyon niyo. What happened next? Nung finally dumating na
ang greatest challenge, dumating na rin ang ending ng perfect relationship ninyong
dalawa!
Anton: Ano pala?! Dapat dati palang
inaway-away ko na siya para napatagtag ko yung samahan naming dalawa, ganun ba
iyon?!
Ashley: Sana hindi ka nagpaka-martir nung
umpisa palang nahuli mo nang may girlfriend siya! Sana hindi ka nagpaka-tanga
dahil alam mo namang sa bandang huli, yung babae at yung anak nila ang pipiliin
niya!
Anton: Maayos naman naming napag-usapan yun
that time. Nilinaw niya sa’kin na hindi naman niya mahal talaga yung babae,
naanakan niya lang daw yun nung mga panahong hindi pa siya naglaladlad. Tapos isang
araw sasabihin niya na lang sa’kin na ayaw niya na kasi narealize niya mahal
pala talaga niya si Ghie at ayaw niya lumaki yung anak nila na hindi siya
kasama, na nagising na lang daw siya isang umaga gusto niya na pala bumuo ng
isang masaya at normal na pamilya. Kung alam ko lang, hindi ko na sana siya
hinayaang magising pa nung umagang yun! Hayop siya! Walanghiya!
Ashley: Mother tama na…
Anton: Hindi ko naman ipapagkait sa kanya na
maging isang mabuting ama dun sa bata. Ang gusto ko lang naman sumaya din ako kahit
papaano. Masama ba iyon? Masaya naman
sana kami bru… hindi nga lang normal yung relasyon na meron kami. Ang masakit
lang bakit kailangan niya kong lokohin at paniwalain na habambuhay kaming
magsasama hanggang sa pagtanda namin. Mula nang nagsama kaming dalawa, sa kanya
ko lang inilaan ang sarili ko, ang buong buhay ko! Ashley, kaya kong magtiis
para sa kanya, sabihin lang niya, kaya kong pikit-matang tanggapin na may ibang
pamilya siya… huwag lang niya kong iwan!
Ashley: Tama na! Huwag ka namang magpakatanga
ng ganyan bakla. Life is unfair, oo totoo yun, pero yung ikaw mismo
magpapaka-unfair ka sa sarili mo, ibang usapan na iyon. May choice ka pa namang
maging masaya…
Anton: Si Matthew lang ang makapagpapasaya sa’kin,
siya lang. Hindi ko na kayang magmahal pa ng iba…Ashley, hindi ko kaya.
Ashley: Anton tama naa—
Anton: Hindi ko kaya!!Ang sakit-sakit!!!
Ashley: Naiintindihan kita per---
Anton: Gusto ko nang mamatay! Now na!!
(Biglang sasampalin ni Ashley si Anton)
Anton: Aray!! Bakit mo ko sinampal?!
Ashley: Ang ingay-ingay mo kasi, hindi mo muna
patapusin yung sinasabi ko! Ano, ikaw lang may moment dito,ganun?!!
(Hihikbi lang si Anton)
Ashley: You know what Anton, that’s totally
bullshit! Oo, masakit maloko sa isang relasyon, masakit maiwan sa ere. Pero
anong gagawin mo, magpapaka-wasted ka na lang? Ikaw na nga ang iniwan, lalo ka
pang magpapaka-loser! Magpakatagtag ka bakla, it’s just okay to cry out your
pain, but not to the point that you will want to end up your life. You’re too
young to be damn hopeless! At huwag mong sasabihing hindi ko naiintindihan
dahil minsan na rin akong nasaktan at iniwan. Alam mo naman ang tamang solusyon
d’yan sa problema mo, ayaw mo lang tanggapin at harapin! So if you’re still
gonna push through with that suicide attempt ---
(Matitigilan si Anton at mapapatingin kay Ashley)
Ashley: Give me the ample time to arrange your
papers for your last will and testament. Dapat kasama kami nila Karren at Jeri
sa mga pag-iiwanan mo ng kayaman mo. Kung hindi ka lang din magpapapigil,
mabuti nang may mapakinabangan kami sa pagpapakamatay mo! (sabay tayo at alis ng bar)
Anton: Walanghiya ka talaga! YOU DON’T DO
THAT TO ME!!! Hoy bru, ikaw magbayad nito, mas marami kang nakain!! Hintayin mo
ko bruha ka talaga ASHLEY!!!
ACT 5
(Madidilim sa bahagi nila Anton at magliliwanag
muli sa bahagi ng entablado kung saan naroroon sina Victor at Jeri. Makikita
sina Victor at Jeri na nasa kama.)
Jeri: I had 3 failed relationships in
the past. Ako yung laging iniiwan. Isang taon na ang pinakamatagal, hindi ko
siguro sila nagagawang pasayahin the way they wanted it to be. I wasn’t enough
for them, natutunan ko ring tanggapin na hindi lahat ng nagmamahal at pumapasok
sa isang relasyon, nagiging masaya at kuntento. Nakapapagod ng mag-commit,
nagrereklamo na ang puso ko, napapagod na daw siyang masaktan.
Victor: Sa tatlong yun, walang nangyari sa
inyo kahit isang beses?
Jeri: Madamot ako pagdating sa sarili
ko. Kapag pinilit ako, away ang resulta nun, and it always happen na kung kelan
nandun na ko sa point na ready na kong may mangyari saka sila bumibitiw, saka
nagkakaron ng problema. Ang gusto ko lang naman, the guy proves first na he’s
worthy enough for me.
Victor: Bakit sa’kin naibigay mo agad yung
sarili mo, to think na nung gabi lang na yun tayo nagkakilala.
Jeri: I’ve learned enough the
principle of my profession kaya even in my personal life, na-apply ko na rin.
Nagbabago ang panahon, maraming kumpanya ang bumabagsak at nalulugi dahil
masyado silang nagiging konserbatibo, hindi nila magawang yakapin ang
pagbabago. Sabihin na nating just when I decided to make a change, that’s the
time you came.
Victor: Well ako naman, I’ve been to a lot of
relationships before. Hoping to find the girl na madadala ko sa altar, but the
last commitment I had was a great heartache. Dun ako nasaktan ng sobra, at time
when I finally decided to be damn serious, dun pa ko niloko at sinaktan ng
babaeng pinagbuhusan ko ng oras at pagmamahal.
Jeri: And then you decided to just
play around.
Victor: They are all in for the game din
naman. Sinong nagsabi na para lang sa mga bata ang paglalaro.
Jeri: Ang bata kapag nasaktan sa paglalaro,
iiyak lang sandali, maya-maya naglalaro na ulit na parang walang nangyari.
Victor: Ganun din naman ang mga matatanda.
Unless…siniseryoso na nila yung laro. Masasaktan talaga sila dun Jeri, sa
ganitong mundo, bawal pairalin ang puso.
Jeri: I know. That’s the no. 1 rule of
the game.
Victor: Nahuhulog ka na ba sa’kin Jeri?
Jeri: Paano kung oo…
Victor: Hindi. Huwag dapat…
(Muling hahalikan ni Victor si Jeri
habang nagdidilim ang ilaw sa buong entablado)
ACT 6
(Nakaayos ang lugar sa
bahay nila Anton, nakalatag ang mga alak at pagkain sa mesa habang masayang
nag-uusap sina Anton, Ashley at Karren)
Anton,
Ashley, Karren: Cheers!!!
Anton: As usual late na naman si Jeri, ano
bang nangyayari sa friend nating yan. Lately, parating wala sa sarili!
Karren:
Siya na rin ang nagsabi, ang
pag-ibig nangangain ng tanga, ayun na-tanga na ata.
Anton:
Don’t tell me she’s falling in
love with my cousin, hay naku, sinabihan ko na siya ha, ayan silang dalawa,
sinabihan ko sila.
Karren:
Pagmamahal sa puson lang naman
ang nararamdaman nilang yun, komplikado nga talaga kung ganun ang pundasyon ng
isang relasyon. Haay, buong araw na namang hindi nagpaparamdam si Tyrone ko,
huwag niyang sabihing wala na naman siyang load dahil niloadan ko na siya
kahapon (pinanggigilan ang cellphone)
Ashley:
Puro ka lang naman ganyan! Hindi
mo rin naman natitiis ‘yang long time bf mo, malambing ka lang nang konti,
bumibigay na agad. May nalalaman ka pang pagmamahal sa puson, yun naman ang
trend ngayon diba.
Karren:
Puro ka trend, sa sobrang
pagka-fashionista mo, pati relationship iniin-corporate mo to your principle of
fad. Alam mo bru, sabihin na nating ganun ang usong set up ngayon, iba pa rin
kapag hand in hand ang pagmamahal mula sa puso at pagmamahal mula sa puson, mas
lalong matamis ang pagsasama, mas totoo, mas marubdob, mas nag-aapoy… haayy..
Ashley:
Bakit sa ten years ninyong pagiging
magboyfriend-girlfriend, hindi pa rin kayo nagpapakasal ng Tyrone mo, ano bang
plano niyo?!
Anton:
Si Karren kasi ang tagal
magpropose!
Karren:
Peste! Pati ba naman pagpo-propose
ako ang gagawa? Ako pa nga ang sumasagot ng pamasahe niya dahil madalas naso-short
siya sa pera niya, at madalas yun pa ang napag-aawayan namin. Ang frustration
ko lang naman sa kanya, yung the way he handles financial, dapat matutunan niya
yun bago kami magsettle down.
Anton:
That’s the other trend today,
babae ang mas kumikita kaya nga uso rin ang house husband ngayon diba, tapos
yung babae ang breadwinner. Kaya magready ka na Karren!
Karren: Kung ganoon lang din ang trending
ngayon, dapat tubuan na lang din ng matres ang mga lalaki para sila na ang
manganak!
Anton: Aaay! Gusto ko yan, gusto kong tubuan
ng matres.
Ashley: Pero sa leeg daw tutubo yung matres
ha, okay lang sa’yo?
Anton: Leche! Ewan ko sa’yo!
(Papasok si Jeri na tulala
at wala sa sarili. Dire-diretso lang itong lalakad at uupo sa gitnang bahagi ng
sofa)
Anton:
Te? Na-hostage ka ba sa Mindanao
at ginahasa ng mga rebelde? Para kasing latang lata ka at di mawari kung
napano.
Karren:
Kakikita niyo lang ba ni Victor
kaya hinang hina ka?
Jeri: Obviously guys, galing ako sa
work, I’m in my office attire…
(Mangingibabaw ang
katahimikan at magtitinginan ang tatlong kaibigan ni Jeri. Lalapitan nila ang
kaibigan at palilibutan ito. Papasok ang malungkot na musika)
Ashley:
Bru…are you okay?
Anton:
What’s wrong Jeri, c’mmon tell
us…
Jeri:
I’m wrong.
Karren:
Ay, ngayon mo lang na-realize yan
te?!
Ashley:
Ano ba Karina! What do you mean
bru?
Jeri:
I thought I could play the
game. I’m wrong, I couldn’t…
Anton:
You’re falling for him. Jeri I
told you before, walang siniseryosong babae ang pinsan kong ‘yan. I warned you,
na baka sa huli magkasakitan lang kayong dalawa.
Jeri:
I know. I’m just confused
now with what I feel. Ayoko nang makipagkita sa kanya, pero ang hirap kalabanin
ng sarili ko. Hindi na ko makapag-focus sa work ko, sa sarili ko, I’m totally
lost and damaged. I never really played the game right, I’m a rule breaker,
remember? And now it’s more than sex that I want, I want love, I want
commitment and I don’t want anyone but him, I want only him. I’m falling in
love for Victor.
Anton:
That’s impossible, he’s not
ready for that Jeri, I know him so well,
Jeri:
Ang hirap takasan ng
sitwasyon ko ngayon, ang hirap makipag-wrestling sa sarili mong pagkatao.
Nakakabaliw.
Karren:
Sabi ko naman sayo bawal pairalin
ang puso.
Jeri:
I know! Pero babae pa rin
pala ko, a woman who’s longing to be possessed by a man she loves.
Ashley:
At lalaki pa rin si Victor, a man
who’s longing to be freed from any commitment brought by relationship and love.
Anton:
There’s no other way but to put
closure to this Jeri. Talk to Victor, talk about it.
Jeri: Ang lagay e ako pa ang unang
makikipag-usap? No way! (Humahagulgol na
si Jeri)
Ashley:
Bru..tama na! Nasisira na yung
make-up mo, huwag ka na umiyak. Sabi ko naman sa’yo i-enjoy mo lang yung sex,
bakit kasi na-inlove ka sa bruskong yun. (Lalong
lalakas ang paghagulgol ni Jeri)
Jeri:
Basta itaga niyo ‘to sa
bato, hinding-hindi ko gagawin na ako ang unang makikipag-usap sa kanya!
Masyado nang natatapakan ang pagkakabababe ko dito, masyado na kong naaagrabyado!
HINDI KO SIYA KAKAUSAPIN, HINDI AKO MAKIKIPAGKITA SA KANYA, HINDI! HINDI!
HINDI!
Anton: Friend, may tumatawag sa cellphone
mo, si Victor.
(Mabibilis na sasagutin ni Jeri ang
cellphone)
Jeri: Hello Victor! Nasaan ka? Sige,
papunta na ko, antayin mo ko d’yan.
(Magpapalam
na kina Anton at mabilis na lalabas ng entablado. Maiiwang nakanganga ang tatlong
magkakaibigan)
Karren,
Ashley: Anyareee?!!
Anton: Hay! Kaloka ang lola niyo te!
Karren: Baka naman Jeri has changed her mind
and decided to confront Victor na kaya ayun biglang nagkumahog ng umalis.
Ashley: Hmmm, o baka naman nung narinig niya
ang boses ni Victor bigla kiniliti sa singit ang Lola Jeri ninyo.
Anton: Ano ba Ashley, wala na bang ibang
laman ‘yang utak mo kung hindi sex.
Ashely: What’s wrong with that?! Don’t tell me
you’re not missing it?
Anton: May sinabi ba kong hindi?! Namimiss
ko na nga, daig ko pa ang El Nino sa pagkatigang, I miss Matthew, the way he
kisses me on my lips, to my chin then to my ears…going all the way down to my
chest to ---
Ashley
& Karren: Hey!!!! Stop it!!!!
Karina: Ayokong masuka, ang sarap ng kinain
kong Chicken Curry kanina and may I just remind you that this is not your
moment!
Anton: Bwiset talaga kayong dalawa! Kahit kailan
mga kontrabida kayo! Going back to you Ashley Montes, girl there’s more to life
than sex! When will you grow up spoiled bitch? You’re almost on your mid 20’s,
it’s about time to stop your game with all the boys!
Ashley: What are you saying bakla?! Bakit
biglang sa akin ang punta ng usapan. I don’t believe in relationship, and I’m
too young to get serious about life. Well at least I’m serious now with my
career, I’ll be a lawyer soon and I swear I’m gonna put to jail all those
idiots that made you guys cry!
Anton
& Karren: Owsss!! Talaga lang ha!
Ashley: I appreciate your concerns but don’t
you worry about me. I know what I’m doing. Hindi ko palang talaga nahahanap
yung right man for me.
Karren: Well how could that be? Kapag
nahuhulog na sa’yo yung guy saka mo siya iniiwan sa ere! Paano ka nga naman
magkakaroon ng isang matinong relasyon!
Ashley: Will you please stop accusing me!
Tinatama ko lang ang mga maling akala nila. They don’t know me that well to be
able to say that they are already falling in love with me. I just don’t want to
fall again in the same trap that Johnny had set up for me, he made me believed
that we could make a good couple. Then what happened next? Dahil hindi niya ko
kayang ipaglaban sa parents ko, he just dumped me like a trash! I knew it very
well now when the guy’s words are real or just plain bullshit!
Anton: Johnny didn’t find you serious about
him, well I’m not at all surprised because you’ve never been serious to anyone
since you broke up with your long time boyfriend Ryu. Kaya ikaw Karren, ayusin
mo na yang relasyon mo sa long time boyfriend mo kung ayaw mong mag-end up nang
mas malala pa sa bruha na ‘to! That’s what generally happens to someone who had
wasted long, good years of relationship.
Ashley: Stop it Anton! That was years ago. I
was too young and idealistic about relationship then. I still believe in a fairy
tale kind of love! We’ve been into 3 years of relationship and we even came to
a point that we were already discussing marriage. Kung natuloy pala yun, I will
be married at the age of twenty one!
Karren: Ano nga ba kasi naging problema niyo
that time?
Ashley: Nagsawa kami sa isa’t isa. As simple
as that.
Karren: As in ganun lang… Well, dumadating nga
siguro sa punto na napapagod ka sa isang relasyon at parang nagdadalawang isip
ka na kung itutuloy mo pa o ititigil mo na.
Ashley: Karren, magkaiba ang napapagod sa
nagsasawa. Ang napapagod kailangan lang nang pahinga, ang nagsasawa dapat
tumitigil na. It next to nonsense na ipilit pa ang mga bagay if you’ve already
losen the compassion to do so. In my case, we fell out of love.
Anton:
And that’s another invalid
reasoning. If falling out of love is the only basis of separation, dapat
maraming mga mag-asawa na ang nagpa-annul o kaya maraming relasyon na ang hindi
na umabot pa sa pagpapakasal. Normal sa dalawang tao na nasa isang relasyon ang
ma-fall out of love, kailangan lang hindi nila sabay maramdaman yun. Dahil by
the time na ma-fall out of love yung isa sa kanila, it’s the responsibility of
the other half to make the relationship survive.
Ashely: Well, in our case nga, we fell out of love
at the same time.
Anton: Kaya pala after a month you attempted
suicide because you realized that you still love him sooo much!! Kaya nang
dumating sa buhay mo that other guy named Mark, dali-dali kang umariba for a
sweet escape of your heartbreak, only to find out after several months of your
affair that he has made you his mistress at pumayag ka naman sa ganung setup!
You transformed entirely into a hardened bitch, a sultry siren who won’t give a
shit to be called a home wrecker!
Ashley: That’s a lie! I didn’t know that Mark
is married to someone else!
Anton: But even after you found out, you
still continued the affair with him, because you fell in love with him already.
Kung hindi pa mismong asawa niya ang susugod sa’yo habang lambutsingan kayo ng
lambutsingan ni Mark doon sa coffee shop hindi ka pa tuluyang matatauhan.
Ashey: Ikaw ba naman luhuran ng babaeng
eight months nang buntis, at nagmamakaawang huwag agawin ang asawa niya sa
kanya, hindi ka ba mapapaisip nun! That woman was so pathetic, and Mark was a
total ass-hole!
Anton: That’s my point Ash. Once and for
all, stop playing games with these kinds of people. In the first place hindi mo
rin naman sila masisisi, because you’re actually the one who’s giving them the
reason to treat you like that, a fling, a past time, a casual hook up ---
Ashley: Stop it!!! Ang kapal ng mukha mong
sabihan ako ng ganyan! How dare you judge me?!
Anton: Putangina naman Ashley! I’m not
judging you, I’m just telling you how these guys see you as a woman –
Ashley: Tarantada ka palang bakla ka, they
didn’t even treat me as a woman base sa mga pinagsasabi mo.
Anton: Then it comes from your own mouth
now, you’ve never been a woman to them, you were never treated as one, not even
a bit of being a woman!
Ashley: Fine. So this is all I get from
standing by your side as a friend.
Anton: Please stop all these dramas! I’m
saying this to you because I’m your friend and it’s now about time to open your
eyes on all these whoring! I’d rather let you hate me for hurting you with the
truth than keep my mouth shut and hate myself for not making you change your
wrong ways.
Ashley: Talaga, bakit yung ginagawa mo ba, are
those the right ways?
Anton: I should have reacted and answered
like the way you do now when we were at the bar. But I opted to listen to all
that you were saying because I know it all makes sense. Sana ganun din ang
naiisip mo sa mga oras na’to.
Ashley: But why do you still have to remind me
of all those morons! Tama na! Kahit na ganito ko in my outside, giving you this
tough personality as if I’m unbreakable, still I am breakable! Be sensitive
naman! Akala niyo ba hindi ko naiisip na kaya nagkakanda-leche leche lagi ang
mga relasyon ko kasi wala nang lalaking sumeseryoso sa’kin! Akala niyo ba I’m
celebrating the idea that I’m being looked upon as a professionally educated
whore! Napapagod na rin ako na palaging ganito, paulit-ulit na lang…pero anong
gagawin ko? Hindi ko na rin alam, hindi ko kailangan ng kritiko, hindi ko
kailangan ng manghuhusga sa mga mali ko dahil sa simula pa lang naman alam ko
nang mali lahat iyon! Hindi niyo na kailangan pang ipamukha sa’kin!
(Kukunin ni Ashley ang bag at
dali-daling lalabas ng stage)
Karren: Bru san ka pupunta?! Sandali!!
(Maiiwan sina Karren at
Anton unti unting magdidilim ang ilaw sa bahaging iyon ng entablado)
ACT 7
(Unti-unting magliliwanag
sa kabilang bahagi ng entablado kung nasaan si Victor at Jeri kasabay niyon
maririnig ang musikang pangromansa. Muling makikita sina Victor at Jeri sa kama.)
Victor:
You know what, when I’m with you
it feels like this whole new thing is different.
Jeri:
Talaga, bakit mo naman
nasabi? Ano naman ang kaibahan ko sa mga babaeng nakakasama mo.
Victor:
You’re a person with deep sense
Jeri. Parang kulang ang isang buong araw na kasama ka, you’re becoming like a
drug to me Jeri.
Jeri:
Victor…
Victor:
Hmmm…
Jeri:
Where are we going… where
is this going?
Victor:
Sa langit.
Jeri:
I’m serious Victor. What
will gonna happen to us?
(Mapapatigil si Victor sa
ginagawa, maririnig ang nakalulungkot na musika at magsisimulang maging
emosyonal si Jeri)
Victor:
Jeri, there’s no us. I’m not
ready for any commitment now. You know everything about my fear of commitment.
We’re okay naman diba, we’re okay to be like this. C’mmon Jeri, let’s not make
it harder for the both of us. Pareho natin ‘tong gusto, ayokong lumayo sa’yo,
let’s just continue being like this.
Jeri:
I also have my own fears…fear
of falling in love with you Victor…fear of wanting a commitment… fear of giving
importance to my pride and dignity as a woman. I’m afraid these fears are now
getting started to materialize. Anong meron tayo ngayon Victor?
Victor:
Hindi ko alam, hindi ko alam
Jeri. Walang tayo. Hindi kailanman nagkaroon ng tayo.
Jeri:
At hindi kailanman
magkakaroon ng tayo, ganun ba yun Victor ha,
Victor:
Jeri…I’m sorry, hindi ka naman
mahirap mahalin. Jeri, it’s-not-you-but-it’s-me…
Jeri:
Yes I know. I know you’re
gonna say that.
Victor:
Sorry…
Jeri:
Don’t be sorry.
Victor: I’m sorry Jeri.
(Tatayo na si Victor para
magbihis, tatangkain pang humalik muna kay Jeri pero iiwas na si Jeri at
tuluyan nang lalabas ng entablado si Victor. Sa paglabas ni Victor, bubuhos na
ang emosyon ni Jeri, sa wakas maibubuhos niya na ang lahat ng sakit na kanina
pa niya gustong pakawalan)
Jeri:
Tanga ka talaga Jeri.
Sasabi-sabi ka pa na you won’t fall for that fucking guy, tapos ngayon heto ka,
iiyak-iyak. As usual, narinig mo na naman ang pamosong linyang
it’s-not-you-it’s-me tapos may I’m sorry pa sa bandang dulo. That’s the hardest
word to hear from someone that you love. Dahil kapag sinabi na ng isang lalaki
ang sorry at umalis, it means, tapos na ang lahat para sa inyong dalawa,
magalit ka man o magwala, tapos na ang lahat.
Sabi
ng ibang tao, ikaw daw ang tipo na parang hindi naman kailangan ng lalaki.
Masyado kasing strong ang personality mo, masyado kang matapang,palaban,
intimidating, they’re thinking na you can always take care of yourself, hindi
lang nila alam at hindi nila nakikita, na you’re just waiting for someone who
will prove to you that you can’t. You need someone to let you feel that you’re
still and will always be a woman…Babae ka pa rin Jeri, kahit sabihin nilang
malakas ka at matapang, babae ka pa rin.
(Tatayo at pupunta sa mesa
malapit sa kama. Magsasalin ng wine sa baso)
Jeri: And now you need to find your
way out, pinasok mo to e, ginusto mo to in the first place. How could you think
of playing the game… now it’s the end of you and Victor. You’ve violated the
most important rule, you fall in love with him so there…cheers to your defeat! THE
GAME IS OVER. (sabay tungga sa baso ng
wine,maririnig ang lumang ballad music at unti-unting magdidilim sa bahaging
iyon ng entablado)
ACT 8
Dahan dahan naman
magliliwanag sa kabilang bahagi ng entablado kung saan nakaayos ang sala ni
Anton. Makikita ito na nakaupo sa sofa habang umiinom ng whiskey mag-isa.
Naka-on ang disc player habang nakikinig sa ballad music. Papasok si Victor at
uupo sa kabilang dulo ng sofa)
Anton: So here’s another one. Haay,
sumasakit ang ulo ko sa mga problema ng mga taong ‘to.
Victor: Insan..
Anton: How’s Jeri?
(Hindi makaiimik si
Victor, aabutan siya ni Anton ng basong may whiskey)
Anton: I knew it! Victor tell me ano ba
talaga ang problema? You already have what you want in life, you are very
successful now on your career. I think it’s about time for you to settle down,
tell me what’s hindering you now for doing this? What’s wrong with Jeri? Hindi
mo ba siya gusto, wala ka ba talagang nararamdaman for her?
Victor: It’s not that easy Anton. There’s
nothing wrong about Jeri, the problem here is me and my immature self!
Anton: Then it’s about time to grow up and
be mature.
Victor: Easy for you to say that. I’ve been
to a lot.
Anton: So did Jeri, so was I. All of us have
been to a lot!
Victor: I know. I just find it too fast,
Jeri fell in love with me too fast.
Anton: It’s hard for women to not involve
their body and soul whenever they are engaged to this thing called sex. They
are just good in pretending but in truth they really can’t do it without
involving their emotions.
Victor: Tsk. Paano mo nalaman never ka
namang nagkaroon ng girlfriend.
Anton: Well I believe I don’t have to
explain it any further that I’m a woman trapped in the body of a handsome man.
Tse! Mga babae kaibigan ko, hindi ko pa ba malalaman yung mga ganung bagay? You
know what Victor, you’re just too scared of being in a relationship. Masyado
kang nagpapa-under sa sarili mong multo.
Victor: I just don’t want to make another
mistake. Siguro kung nakilala ko na si Jeri bago pa naging kami ni Roxanne noon,
it wouldn’t be this hard for me to decide. Nasaktan na ko ng sobra bago pa
dumating si Jeri sa buhay ko. I just don’t want to be unfair with her now,
akala ko lang talaga malinaw na ang set up namin sa simula pa lang.
Anton: It only shows that you’re not yet healed
from your past heartbreak. You’re waiting for that someone while you have Jeri
to stay by your side, but it’s clear enough that Jeri isn’t the one you’re
waiting for…
Victor: Or she can be the one… Ewan ko,
magulo talaga ang isip ko. I don’t wanna lose her but I don’t wanna keep her as
my girlfriend.
Anton: So ano, special friend? Ganun?!
Victor: Jeri doesn’t deserve this shit that
I’m giving her… she has had enough of heartaches from me.
Anton: But I think you have taught her a
great lesson. Jeri never chooses to settle for this kind of set up. (Mapapabuntung hininga) Kapag nagsama
ang dalawang taong halos magkapantay ang emotional immaturity, dalawang bagay
lang ang pwedeng mangyari, either maghatakan sila pababa o sabay silang
mag-grow up. Victor you can’t live your
life forever like this, flirting and hurting all the women who come your way.
Victor: I know. As always, there’s no other
way but to move on. I need to start things over again insan, but not with Jeri.
Masyado ko na siyang nasaktan, the damage is now beyond repair… maayos man baka
mauwi lang sa mas marami pang kumplikasyon. Ganoon nga siguro yun insan,
masakit isipin pero may mga taong dumarating sa buhay natin para turuan tayo ng
mahalagang lesson, but further than that they have no other business to do in
our lives. Mas madalas, no matter how we wanted that person to stay with us,
things will just never allow. Kasi siguro, it’s not just really meant to be,
kapag ipinilit pa lalo lang magkakasakitan. Cheers to my another heartache.
Anton: Cheers to the new Victor.
(Sabay
nilang iinumin ang whiskey at magpapalam na si Victor)
Victor:
Thanks for the time Anton ha, I need to go. Please take care of Jeri.
(Aalis na si Victor at
lalabas ng entablado. Maiiwan ulit si Anton na parang natulala sa sinabi ni
Victor)
Anton: ..not meant to be. Siguro nga,
Matthew and I are just not meant to be. But I miss him, I miss him so much… (magsisimula nang tumulo ang mga luha ni
Anton subalit biglang tutunog ang kanyang cellphone, maririnig mula sa kabilang
linya ang boses ni Karren)
Karren: Anton…
Anton: Karren?! What’s up? Bakit ganyan ang
boses mo parang boses mangkukulam..
Karren: Nag—pa-ka—matay aahh—ko..
Anton: WHAT?!! Nagpakamatay ka? Bakit kausap
kita ngayon…eeekkk! Karren, huwag mo naman akong multuhin ng ganito.. saan
namin hahanapin ang bangkay mo friend..I can’t believe this nakikipag-usap ako
sa patay..
Karren: Bu—hayyy pa ko… dit—to sa con-do ko..
dal-hiin mo koo hos—pital!
Anton: Buhay ka pa? teteka—teka, papunta na
ko dyan, papunta na ko! Huwag kang bibitaw sa paghinga okay,think of happy
thoughts, think of happy thoughts! Nandyan na ko, teka tatawagan ko sila
Ashley… (dampot sa isang cellphone)
Ashleyy!!!
(Black out)
ACT 9
Magliliwanag ang ilaw sa
bahagi ng entablado kung saan nakaayos ang isang kwarto ng hospital. Makikitang
naroroon si Karren, naka-dextrose at tulala. Nakaupo si Anton sa sofa malapit
sa kama ni Karren, hawak ang kopa ng wine.Humahangos na papasok sina Jeri at
Ashley.
Ashley: Friend!! Salamat naman sa Diyos at
buhay ka.Akala ko tuluyan mo na kaming iiwan.
Jeri: Friend, bakit mo naman
naisipang magsuicide? Hindi mo pa nga tapos hulugan yung memorial plan na
kinuha mo sa’kin.
Anton: Wow! Mas concern pa talaga sa raket
Jeri? Hay ewan ko ba dito sa bruhang Karren na’to. Magko-commit ng suicide
tapos bigla namang magbabago ng isip. Ayan na sana si Kamatayan ate, all set na
ang karit para kawitin iyang leeg mo, at ang mga anghel at cherubim nilatag na
ang red carpet sa langit para sa iyong grand entourage!
Walang maririnig na salita mula kay
Karren. Bigla na lamang itong aatungal ng napakalakas.
Karren: Waahh! Hindi ko kaya na wala si
Tyrone! Hindi ko kakayanin!
Jeri: Kaya mo yan Karren. Hindi pa sa
ngayon pero kakayanin mo –
Karren: Hindi! Hindi ko kaya! Waahh!!! (Lalong lalakas ang pag-atungal)
Jeri: Sinabi nang kaya mo! Bubusalan
ko ng mansanas yang bibig mo, nakababasag ng eardrums yang ingay mo!
Pipigilan nila Ashley at Anton si Jeri
na akma na ngang bubusalan sa bibig sa Karren.
Anton: Tama na Jeri, ano ba?! Patulan ba
daw!
Mahihila nila Anton at
Ashley si Jeri papalayo,sabay mapapatigi sa pag-iyak si Karren.Subalit ilang
segundo lang, muli na naman itong aatungal nang mas malakas pa sa nauna.
Ashley: Tumigil ka na Karren!! KAPAG HINDI KA
PA TUMIGIL ISUSUMPA KITA NA SANA MABAOG KA AT HINDI NA MAKATIKIM NG SEX KAHIT
KAILAN!
Biglang tahimik si Karren
Karren: Ang harsh naman nun bru!
Ashley: Ang sakit sa tenga ng ngalngal mo.
Sabihin mo nga muna sa amin kung anong totoong nangyari.
Karren: Nakipaghiwalay na ko kay Tyrone.
Jeri: Bakit ikaw ang nagsuicide?
Dapat si Tyrone!
Anton: Friend, hindi naman na bago sa
relasyon niyo ni Tyrone ang away-bati, pero bakit umabot ngayon sa ganito na
gusto mo nang wakasan ang buhay mo.
Karren: Naramdaman ko na kasi friend na this
time, totoo na talaga yung hiwalayan namin.
Jeri: May third party ba na involve?
Karren: Meron. Kasamahan niya sa office, ang
masakit pa hindi naman kagandahan yung babae.Damuhong na yun, hindi man lang
namili ng mas maganda at mas seksi sa’kin. Nahulog daw ang loob niya ng hindi
sinasadya, mabait at matalino daw kasi yung Mariel na yun, at higit sa lahat
wife material daw! Putanginang Tyrone yan, sa ten years naming magkarelasyon,
four years dun halos para na kaming nagli-live in! Nakuha pa niyang mahulog sa iba
na halos isang taon palang naman niyang kilala! Ano yan, nainlove nang hindi mo
inakala! Alam ko hindi ako masipag sa mga gawaing bahay, tanga ako pagdating sa
kusina, pero fuck, napapaigtad ko siya sa kama! At higit pa dun napagtiyagaan
ko siya ng mahabang panahon, leche siya, isusumbat pa niya na masyado daw akong
dominating, sunud-sunuran daw siya sa mga gusto ko, na nagsasawa na daw siya! Kaya
ko namang ako yung sumunod sa kanya, but he’s not taking in charge of our
relationship so what does he expect me to do? Pati lifestyle ko pinupuna niya,
lahat naman ng pinagkakagastusan ko pinagtatrabahuan ko, hindi naman ako
nanghihingi sa kanya, ako pa nga ang nagbibigay diba? Lahat-lahat na ibinigay
ko pero sa huli ako pa rin ang nagkulang…
Maririnig ang malungkot na
musika. Patatahanin ni Jeri si Karren habang si Ashley naman, lalayo ng mga ilang
hakbang mula sa mga kaibigan, hawak nito sa kamay ang baso ng wine.
Jeri: Sssh..tahan na girl. Maybe you
have loved and given Tyrone so much that you forgot to leave something for
yourself.
Anton: Minsan kasi akala natin giving too
much is all enough to secure our relationship. Pero mali pala yung ganun. Sa
case niyo, you have given him everything that you have to give, but still
na-fall out of love pa rin siya. It only means, sa mga ibinigay mo sa kanya,
wala doon yung kailangan niya.
Karren: Pero ako, kailangan ko siya.
Jeri: Karren, sa umpisa palang alam
mo nang hindi naibibigay sa’yo ni Tyrone yung bagay na kailangan mo, yung bagay
na dapat naibibigay niya sa relasyon niyo. You’ve been in denial for all those
years, you and tyrone have suffered enough from this. Tama na.
Anton: At least spare some respect for
yourself Karren, don’t you sink on this, not an inch should you sink on this…
Iiyak si Karren pero sa puntong ito,
mararahang mga hikbi na lang ang maririnig.
Ashley: Guys, what’s wrong with us? Bakit
hindi na tayo naging masaya? We want nothing but to be happy. Hindi na tayo
nawalan ng kahati sa mga taong gusto natin, hindi naman tayo mga banal pero
bakit tayo ang laging nagpaparaya, tayo ang laging naiiwang luhaan.
Jeri: Ginagawa lang kasi natin kung
ano yung nararapat. I don’t think naman na one sided lang yung pain ng mga
heartbreak na to. I’m sure, kahit sila nakararamdam din ng sakit, hindi lang
natin alam kung kasing-tindi rin ba ng sakit na nararamdaman natin.
Anton:
Pasasaan ba’t matatapos din ang
lahat ng mga kadramahang to. THIS TOO SHALL PASS, ayan si bestfriend natin sa
itaas o, hindi tayo pababayaan niyan.
Ashley: Kunsabagay tama kayo. Kaya nangyayari ‘tong
mga bagay na to para turuan tayo ng lesson natin, para hindi na natin gawin ang
mga hindi dapat gawin.
Jeri: At hindi na ipilit ang bagay na
lalo lang makasasakit sa atin.
Anton: Likewise, para matutunan na lahat ng
bagay lilipas din. Masaya man o malungkot na pangyayari lahat yun lilipas din,
maaring yung mga masasayang bagay na nangyari, iiyakan natin sa hinaharap kasi
na-miss natin. Iyong mga malulungkot na bagay naman from our past tatawanan na lang
natin in the future kasi hindi tayo makapaniwalang once in our lifetime, nagpakatanga
tayo dahil sa love.
Karren: I’m really grateful to have you guys…
and I’m really thankful now na buhay pa ko. Hope we have all learned our
lessons now.
Anton:
At dahil dyan let’s have a
toast, pero sayo Karren tubig na muna, o ayan.
Jeri: Sabi nga there’s a time for
everything. So let’s just enjoy and never give up on life! Cheers!
Ashley,
Anton, Karren: Cheers!
WAKAS
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento