Lunes, Nobyembre 3, 2014

CHEERS!

Isinulat ni: Raquel “Uel” Gravador Ceballos
©2013

ACT 1
Nagkakasiyahan ang lahat, maraming bisita sa bahay ni Anton, mayroong kumakain at nag-iinom sa kusina hanggang sa sala may mga nagsasayawan. Nakaayos ang strobe light at nasa disco mood ang lahat, may mga dekorasyon ng ballons sa buong bahay, sumasabog sa lakas ang speaker na puro pang-club na music ang pinatutugtog.
Jeri:                 This is life! Let’s drink and party harder my friends!! Cheers!
(Nasa gitna ng entablado, hawak ang baso ng wine sa kaliwang kamay at e-cigarette sa kanang kamay, medyo bangag na pero hindi pa lubusang lasing)
Ashley:          That’s right, let’s drink ourselves to death, thanks to Anton for throwing a house party like this. Minsan talaga magandang nabo-broken hearted ang friend natin na ‘to. (Lalapitan at aakbayan si Anton na nakatulalang nakaupo sa sofa, hawak ang cellphone)
Anton:           (Mapapahikbi na nang tuluyan sa sinabi ni Ashley)
Siraulo ka palang gaga ka e, kaibigan ba talaga kita?! Nasaktan na nga ako at niloko parang natutuwa ka pa. Ang gusto ko lang naman talaga uminom at maglasing, pero hindi ko sinabing gawin ninyong Opus, Republiq o Imperial itong bahay ko mga bruha kayo! (Hahagulgol) Hindi ko kayang makita ang mga sumasayaw na ilaw na yan (Isi-switch off ang strobe light), ang malakas na tugtugan (Papatayin ang music), pakiramdam ko nagsasaya ang mundo habang ako, ako naman nagdurusa nang ganito!! Bakit ako!  
(Sukdulang emosyon ang ipapakita ni Anton, magbabago ang timpla ng ilaw, mangungulimlim ang ilaw ng paligid at magkakaroon ng spotlight kay Anton)
Karren:          And the best actor award goes to……! (Maririnig ang malakas na drumroll at mabubuhay ang strobe lights)
Anton:           (Lalakas ang hagulgol) Bakiiittt aaakkooo!!!! (Lalong lalakas ang drumroll)
(Lalapit si Jeri at babatukan ng ubod lakas si Anton)
Jeri:                 HOY!! Echoserang bakla, kahit kelan hindi mo matatalbugan si Eugene Domingo sa arte mong yan!
Anton:           Punyeta, masakit yun ha! Baka nakakalimot ka Jeri Mae you’re here in my house and I can send you out of here anytime (nagngangalit ang tinig) and correction hindi si Eugene Domingo ang ginagaya ko, si Angelica! … dahil ang pera ko hindi basta basta mauubos pero ang pasensiya ko, konting-konti na lang! (sa tono ni Ate guy).
Ashley:          Akala ko si Roderick Paulate.
Jeri:                 Vice Ganda naman te! (balik kay Anton) E kasi naman, ilang beses ka na naming binalaan dyan sa lalaking yan hindi ka pa rin nakinig. Kami pa ‘tong mga kaibigan mo ang itinuring mong kontrabida. Sa huli sino bang karamay mo? Kami! And where’s that fucking bisexual, hah?! Naturingan ka pa namang sikat na designer tapos sa isang baklang hindi ka-gwapuhan ka lang magpapaka-losyang nang ganyan!
Anton:           Shut up! YOU DON’T DO THAT TO ME! I don’t give you the right to talk shit about him. Palibahasa parati kang niloloko at iniiwan nang mga nagiging lalaki mo!
Jeri:                 The hell I care! Hindi ko kailangan ng lalaki, at hindi mo rin kailangan Anton, ikaw rin Ashley hindi mo kailangan, hindi natin kailangan. We can survive without a man in our lives, we’re independent, we’re earning higher than most of them, we’re matured enough to understand life, and we don’t play around like those easy going nuts. YOU UNDERSTAND? WE DON’T NEED A MAN!!
(Sabay biglang talikod kay Anton papunta sa kaliwang labasan ng entablado pero biglang magugulat sa lalaking kanina pa pala nakatayo sa likod niya)
Jeri:                 And who are you?
Victor:            I’m Victor. And I’m looking for my cousin Anton, this is his house if I’m not mistaken.
Anton:           Hi Victor! Bakit late ka na dumating? Kanina ka pa hinihintay ng mga friends ko sabi ko may sorpresa ako sa kanila.
Victor:            I came here because I know you’re not okay insan. Sabi ko naman sa’yo masama ang kutob ko d’yan sa Matthew na yan. He’s not serious about you, niloko ka lang niya.

Jeri:                 Yun na nga ang sinasabi ko d’yan sa pinsan mo na yan, ayaw naman makinig, hay naku, pag-ibig talaga nangangain ng tanga.
Victor:            Insan, who’s this crazy babbling lady here? (Pabulong)
Anton:           Matino naman yan, nakarami na kasi nang na-inom kaya ganyan. Hoy Jeri halika nga dito, pakilala kita sa pinsan ko. Jeri si Victor, siya yung architect ko na pinsan, insan, si Jeri, sabik sa lalaki ‘yan di lang halata.
Victor:            Safe bang makipag-handshake sa’yo, kanina kasi para kang tigreng nakawala. (Akmang makikipag-kamay)
Jeri:                 Oo naman, mas safe ang mga katulad naming nag-iingay at sumisigaw kesa sa mga nanahimik lang pero yun pala nangangagat. Nice to meet you, matagal ka nang nakukwento samin ni Anton. (makikipag-kamay kay Anton)
Victor:            I hope hindi negative lahat ng mga kwento nitong pinsan ko.
Anton:           Of course not! Kumain ka na muna, mamaya lalasingin ka ng mga girls kaya magready ka na ha. O guys, tama na ang dramahan, the night is young, let’s party, party!
Tuloy ang maingay na tugtugan at patay-sinding ilaw, magsasayawan ang lahat ng tao sa entablado habang nagtatawanan, nagkukwentuhan, naghaharutan.
Mula sa nagkakasayahang mga tao, hihiwalay sina Jeri at Victor, parehong may hawak na bote ng serbesa, nagtatawanan, halatang nakararami na nang naiinom.
Victor:            Ngayon ko lang nalaman na may mga interesting friends pala si Anton. Akala ko kasi puro mga user friendly na homo lang ang nakakasalamuha nun.
Jeri:                 Hindi naman, may mga user friendly din siyang girl friends. Okay ka din naman palang kasama Victor, sa unang tingin ko kasi sayo mukha kang mayabang, hindi naman pala. Cheers to our new friendship!
(Bahagyang mag-uuntugan ang mga boteng hawak nila para sa isang cheers at sabay iinom, mapapatitig si Victor sa boteng hawak ni Jeri)
Jeri:                 O, what’s wrong? Bakit natulala ka bigla. (Mapapatingin din sa boteng hawak niya)
Victor:            Nothing. You’re drinking straight from the bottle. Women usually pour it in a glass with ice. It’s a sexier act for me.
Jeri:                 Straight from the bottle or from a glass with ice, it’s just the same beer. So what’s the difference? Nawawala ang tunay na ispiritu ng beer kapag nahahaluan na ng yelo, kumbaga sa sabaw lumalabnaw. At isa pa hindi naman ako nagpapa-sexy sa harap mo!
Victor:            The way you drink it, that’s the difference. Malay mo mas masarap pala kapag ininom mo mula sa baso.
Jeri:                 Nasubukan ko nang uminom ng beer mula sa basong may yelo, lalo ko lang na-realize na mas masarap pala talaga kapag diretso mula sa bote, wala nang salin-salin pa.
Victor:            You look smart and independent, sa tingin ko lahat ng bagay gusto mong nakukuha ng madalian. (Mapapailing) Mahirap yan.
Jeri:                 And what are you trying to say huh? Sabihin na nating I don’t like wasting time. There are things that we can do in just a matter of minutes but some people spend almost an hour doing it, such a waste di’ba, why not just look for a better short cut? If a plan look like it’s not gonna work, and you’re done already with the first try then push it no longer, go for the next option, change the approach, improve the strategy. That’s how we work in Marketing, the time won’t give a shit to stop and wait for us, while we’re busy figuring out why something’s not working, greater opportunity will slip right under our nose and it will be too late before we realize that we’re already lagging behind our competitors.
Victor:            Well that’s your style--
Jeri:                 It should be the right style. When good opportunity comes, grab it. When it didn’t work, drop it! Don’t make things complicated. (Sabay tungga ulit sa bote ng beer, medyo napapagewang na sa kinatatayuan, senyales na sobra sobra na ang naiinom)
Victor:            And now you’re getting more interesting to me Jeri…ganyan ka rin ba pagdating sa relasyon? (Unti-unting lumalapit kay Jeri)
Jeri:                 I don’t believe in a relationship. (Sa tonong tipsy na)
Victor:            Ligawan kaya kita— (Mas lalong lumalapit kay Jeri)

Jeri:                 Mas lalong hindi ako naniniwala sa ligawan.
Victor:            So gusto mo tayo na agad. (Sobrang lapit na kay Jeri)
Jeri:                 (Matitigilan, saka bigla kakawala kay Victor) Are you trying to play around Victor, I’m not in for the game. Maghanap ka na lang ng ibang lalandiin d’yan.
Victor:            (Matatawa) Kanina ang tapang-tapang mo, ngayong nag-iba ang usapan bigla kang naging maamong tupa. Are you affected by my presence, Ms. Marketing Manager? Don’t you realize that a good catch might be slipping under your nose, huh?
Jeri:                 And now you’re trying to seduce me.
Victor:            Why are you seducible?
Magbabago ang ilaw sa entablado, maririnig ang sensual na musika at magdidilim ang paligid. Sina Jeri at Victor lang ang may ilaw at habang magkayap dahan-dahan sila mapupunta sa kanang bahagi ng entablado kung saan may nakaayos na higaan, sa bahaging iyon mapopokus ang ilaw, ipapakita ang dahan dahang paghahalikan at pagtanggal ng damit, saka mamamatay ang ilaw sa entablado. Tuloy ang na maririnig ang musika at kasabay niyon,maririnig ang boses ni Jeri.
Jeri (voice over):       My friends and I, we’re all self-confessed, happy go lucky people. We enjoy life as much as we could. “Let’s party while we’re young”. That’s our motto in life. Ang dahilan namin, we’re just enjoying the fruits of our labor. We’re working really, really hard, so that’s a great reason for us to drink and dance even harder. At some point, we get to be very ideal with our plans, philosophy and belief in life, especially when it comes to love… But there are special cases, wherein we just choose to go with flow of some whimsical moments that take place in our life… those spur of the moment event that could flip our belief in a complete 360-degree turn…just like what happened now.
Muling magbubukas ang ilaw sa entablado, makikitang nakahiga si Victor at nagyoyosi si Jeri habang nakatapis lamang ito ng kumot. Babalikwas si Victor.
Victor:            I couldn’t believe it, you were still a virgin at that age of 25.
Jeri:                 Well, hindi na starting tonight. And you know what, it’s always better to believe the unbelievable and expect the most unexpected.
Victor:            So tayo na niyan ngayon Jeri.
Jeri:                 I don’t think we’re both game for commitment Victor. I can see it clearly in your eyes.
Victor:            Yun nga ba ang dahilan o ayaw mo lang masira ang good image mo sa mga tao. Ano nga naman ang sasabihin ng iba ‘pag nalaman nilang Si Jeri Mae Asuncion, a young career-oriented professional, well respected and given high appraisal for her excellence in field of marketing and PR, will be engaged in a relationship with a self acclaimed womanizer whom she has just met in the party.
Jeri:                 And why do they need to know about that.
Victor:            Kaya nga hindi pwedeng maging tayo. But we can still be friends Jeri, we can be good friends. (Muling hahalikan ni Victor si Jeri at maririnig muli ang musika sabay magdidilim ang buong entablado)
ACT 2
Magliliwanag sa bahagi ng entablado kung saan nakaayos ang isang bar, magkausap sina Ashley at Karren habang umiinom. Hinihintay si Jeri.
Ashley:          ..At ito pa, alam mo ba naiinis ako kay Joey, magtetext-text sa’kin na “Ash I still love you” pero makikita mo sa FB niya yung picture nila ng GF niya na 29 years old! Imagine, pinagpalit niya ko sa 29 years old! 23 lang si Joey, it’s a 6 years gap!
Karren:          Age doesn’t matter nga daw. Saka ikaw na ang Chinese na, mayaman pa, at in fairness may itsura pa ha.
Ashley:          Anong may itsura?! Chubby naman. Hindi ko talaga lubos maisip na mas pinili ni Joey maging girlfriend yun.
Karren:          Baka mas magaling sayo Ash, sabi mo diba pareho silang nagku-culinary, malamang masarap yung mga pinapakain niya kay Joey, mga tipong pang-International cuisine, ikaw kasi local lang yang pinapatikim mo, hahahaha! Saka kung pumatol siya sa mas matanda, malamang nag-iba na siya ng preference, ayaw niya na sa mga nagpapa-cute at nagbe-baby talk na katulad mo!
Ashley:          Bakit, matured naman ako ha…
Karren:          Saan sa kama!
Ashley:          Sa tingin mo mahal niya yung babae? Hmp, hindi rin, bakit niya ko itetext ng ganun kung mahal niya talaga yung babae…
Karren:          Joey is just 23 years old, kalakasan nang paglalaro ng mga lalake ang ganyang edad. It’s really hard to tell when they’re in love or not.
Ashley:          Kunsabagay…you know what followed after that “I still love you text”? …“Ash, Queen’s court tayo”!! Aargh…I’m tired of this set up mare, there’s more to life than sex!
Karren:          So you mean, you won’t give in to his flirting?
Ashley:          (Pa-cute na tono) Hmmm…depende pa rin..(Sabay magtatawanan ulit ng malakas ang dalawa)
Karren:          Hahaha.. loka-loka ka talaga Ashley..Asan na ba yang si Jeri, sagot niya ‘tong iniinom natin diba? Malamang napa-OT na naman, whore-kaholic talaga! (Sabay magtatawanan ang dalawa)!
Jeri:                 Excuse me! Who’s whore-kaholic? You’re calling me the name that should be all yours, crazy, biatch!
(Mapapatili si Ashley at magsasalita ng mabilis)
Ashley:          Jeri! Finally you’re here, marami kang ikukwento sa’min, bakit ba bigla kayong nawala ni Victor nung party ha?! Nag-sex ba kayo?
(Mabilis ding sagot)
Jeri:                 Oo.
(Mapapasigaw ang dalawang kaibigan)
Karren at Ashley: Aaahhhh! Nagsex kayo?! AS IN S-E-X! SEX!
(Matitigilan ang tatlo at mapapatingin sa paligid nila)
Jeri:                 Kelangan isinisigaw ha, OO NAGSEX KAMI, NAGSEX KAMI! Masaya na, Masaya na kayo?
Karren:          Sooo how was it? Hmmmm….
(Matatahimik muna sandali at mapapabuntong hininga)
Ashley:          How was the first time Jeri?
Jeri:                 (Magpapakawala ulit ng buntong hininga) Aaahh…Putang-ina mare, ang sakit!!! Ganun pala ang pakiramdam na madevirginize, para kang pinupunit!
Ashley:          Gaga, pinupunit naman talaga yung hymen mo nun. Pinag-aaralan kaya sa Science yun. So nakailang round kayo ha? (Boses na parang kinikiliti)
Jeri:                 Dalawa..
Karren:          Yummy ba?
Jeri:                 Hmmm…Yummy mare, panalo! (Magtatawanan ulit ang tatlo at magtitilian)
Karren:          So ano nang status niyong dalawa mare, kayo na ba o simply complicated lang, yung tipong friends with benefits, FUBU, Unofficially yours!
Jeri:                 You know me mga mare! I enjoy exploring new things, for all my past relationships, I’ve been tired of being mabait and ideal. Lahat sila pare-pareho, same things always happened, it’s the five fucking words that always destruct my world, the it’s-not-you-it’s-me reasoning. Lahat sila akala nila sorry is all enough, ano ganun na lang yun after investing your time and effort sa isang relationship, sorry!
Ashley:          Kasi naman, yung huling bf mo, isang taon na kayo wala pa ring nangyayari sa inyo! Iiwan ka talaga ng lalaki niyan ‘pag ganyan ka, masyadong conventional. Hindi na uso ang virgin ngayon Jeri,
Jeri:                 Kelangan ba talaga may ganun, no.1 requirement?! Well anyway, for a change mars, I’m gonna play this guys’ game. No strings attached.
Karren:          Sigurado ka ba d’yan, anyway kung playtime lang ang habol mo, Victor is the perfect person. Just keep in mind Jeri ha, no. 1 rule bawal mainlove. Matatalo ka ‘pag nahulog ka.
Jeri:                 I swear I won’t! I won’t fall in love with that Victor. So there, let’s drink to that. Cheers!
Karren & Ashley: Cheers!
(Lalakas ang tugtugan at magdidilim ang buong entablado. Blackout.)
ACT 3
(Naghihintay si Victor sa loob ng coffee shop. Nakaupo sa harapan ng kanyang laptop habang nakikipag-usap sa kanyang cellphone. Hindi nito mamamalayang nasa likod na niya si Jeri)
Victor:            Ok that would be fine, 7PM on Monday night. Yes Alberto, I’m working on it already. Everything’s going according to our agreement. I’m making it sure that I will recommend to you the best materials for the project. About the contractors, I will discuss that to you on Monday, you don’t have to worry at all, I have worked with these people for the nth time and the result is always awesome. Yes, yes, see you Monday night. Alright, bye.
(Muling haharap sa Laptop at magugulat na lamang ito dahil biglang mauupo si Jeri sa katapat niyang upuan)
Jeri:                 Still working at this hour? Ikaw na ang masipag.
Victor:            Hi, nandiyan ka na pala. (tatayo at dadampian ng halik si Jeri sa labi). Akala ko hindi ka na magpapakita sa’kin, hindi mo kasi sinasagot ang mga tawag ko. Kung magrereply ka naman sa text, aabutin muna nang isang buong araw, minsan dalawa pa.
Jeri:                 We’re not obliged, right? By the way, you’re a registered architect pala.
Victor:            Yes. I accept design and build service, bakit magpapagawa ka ba ng bahay. Since you’re my friend I can give you an extra service, we can discuss that somewhere else. (Sabay hahawak sa kamay ni Jeri)
Jeri:                 (Mapapangiti muna at saka babawiin ang kamay) How does it feel designing and building a house for someone else? Baka naman tina-taga mo lang sa singil yung mga kliyente mo like other architects I know. Kokontsabahin nila yung mga contractors and suppliers na kilala nila, and they will charge the client ng sobrang mahal.
Victor:            Ganun ba ang dating ko sa’yo..Hmm… you know what, I was raised from a broken family so every time I design and build a house, I always think that I’m helping to build a happy home, a home that I never had. Malabong gawin ko yung sinasabi mo, I value my profession more than I value the girls I’m sleeping with. (Matatahimik) Hope I didn’t offend you on that.
Jeri:                 No worries, I value my profession the same way that you do. How about building a happy home of your own? Did you ever consider that?
Victor:            Not so far. May pananagutan sa batas kaming mga Registered Architect, for 15 years, we have to make sure na maayos, matibay at matiwasay ang bahay na itinayo namin. 15 years na pananagutan, why would I add a lifetime commitment by building my own home?  I just can’t imagine myself as a family man.
Jeri:                 Hindi na ko nagtataka sa mga lalaking katulad mo na ayaw magpatali.
Victor:            But you know what, this time might be different Jeri. (Hahawakan ang kamay ni Jeri)
Jeri:                 You wouldn’t want to build a home with me Victor.
Victor:            We will never know…
(Muling tutugtog ang pangromansang tugtugin at unti-unting magdidilim ang ilaw sa entablado)

ACT 4
Sa pagdidilim ng ilaw sa bahagi nila Jeri at Victor ay magliliwanag namang ang kabilang bahagi ng entablado kung saan naroroon sina Anton at Ashley. Nakaayos ang isang lugar ng gay bar at makikitang nagsasayaw sa pabilog na entablado ang isang macho dancer. Ipakikita ang nang-aaliw nitong paggiling at ipapakitang bababa ito sa sinasayawang entablado para lumapit sa mesa nila Anton, maririnig ang hiyawan ng mga tao, dudukot si Anton sa wallet at bahagyang didilim ang ilaw sa bar kasabay ng pag-ipit ni Anton ng limang daang piso sa brief ng dancer. Babalik na ito sa stage at unti-unting hihina ang musika at masesentro ang ilaw kina Anton at Ashley.
Anton and Ashley: Cheers!!! (Sabay tungga sa tag-isang shot ng tequila)
Anton:           Infairness ‘te, may arrive si kuya!
Ashley:          Ano? Ite-table na ba natin? Ipapa-reserve ko na dun sa manager.
Anton:           Ay wit na ate! Another limang daan pa yan, tatabihan ka lang, magbabayad ka pa! Kaya nga kita isinama dito para hindi na ko umorder pa ng makakausap.
Ashley:          So ayaw mo? Fine, ako na lang ang magte-table sa kanya, Amanda!
                        (Sinesenyasan na ang bading na manager ng bar)
Anton:           Ano ba bru! Nakakainis ka naman e!
Ashley:          Biro lang, eto naman hindi na mabiro. Hindi ko type si kuya, masyado kasing ma-muscle yung katawan niya, parang lahat na lang sa kanya matigas.
Anton:           Bakit ayaw mo ba nun?
Ashley:          Gusto ko isang bahagi lang niyang yung naninigas. (sabay magtatawanan ang dalawa)
Anton:           Baliw ka talaga! Palibhasa mahilig ka sa mga chubby guys, napansin ko sa mga boylet mo laging may umaalog-alog sa tiyan! Yung kulang na lang sumo wrestler na at pwede nang isabak sa laban.
Ashley:          Over ka naman, baby fats yun! At saka nagiging wrestler namang talaga yung mga yun… ‘pag kasama nila ko, hmm, alam na! Masarap kasi yung napipisil-pisil mo yung lovey mo sa kahit na anong parte ng katawan niya. Pero teka, kamusta ka na ba? Bakit bigla ka namang nagyaya dito sa lugar na ‘to? Dito kayo unang nagkakilala ni Matthew di’ba? Ano ‘to, nagrereminisce ka?
Anton:           Haay! Yes, I remember that moment.. That was 4 years ago, brokenhearted ako sa jowa ko that time, si Jorge remember him?
Ashley:          Yes of course! Yung jowa mong mukhang paa! Madalas magtext sa’min ng “Eow poh, khasamah niow pow bah si lalabs ngayon, pasabi poh miss ko na siya poh, tnx pow!
Anton:           Grabe ka naman!
Ashley:          O bakit?! Totoo naman diba, iyang ikina-gwapo mong bakla ka e siya namang ikina-pangit ng jejemon mong jowa na mukhang paang may alipunga!
Anton:           Kahit ganun yun minahal ko yun at minahal din niya ko.
Ashley:          E bakit ipinagpalit ka sa baklang mas pangit pa sa kanya?!
Anton:           Anong magagawa ko kung loyal siya sa lahi nilang ipinaglihi sa kangaroo! Palibhasa that time purita pa ang lola mo kaya ayun ipinagpalit ako sa matandang faggot na mapera. It proves only that at the end of the line, most of us will choose to settle with someone who can provide us security. Haay, past is past! Anyway, si Matthew naman ang issue dito. Pareho kaming brokenhearted that time. Ang dramatic nga ng eksena, yung tipong nandito ako sa table na ‘to tapos siya nandun sa kabilang table, tapos biglang tumugtog yung Bleeding Love ni Leona Lewis. (Maririnig ngang tutugtog ang Bleeding Love) In slow motion bigla kaming nagkatinginan, matagal na titigan, tapos bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa’kin sabay sabing.. “Hi, I’m Matthew, I feel so lonely, can I share the night with you,” (sabay lalakas ang Bleeding love na music habang kumikislap-kislap ang mga mata ni Romel sa pag-alala)
Ashley:          Hoy! Itigil mo na yan, kaya ka nabi-bleed sa bandang huli, masyado kang hopeless romantic. Hinay-hinay din kasi te!
Anton:           Hinay-hinay?! 4 years of relationship te, kulang na lang isa sa’min magpakabit ng matres at pwede na kaming bumuo ng isang masaya at magandang pamilya. Ang saya-saya pa namin nun, very ideal ang relasyon namin. Halos wala kaming mga bagay na pinagtatalunan, hindi nga kami dumating sa puntong nag-away kami ng sobrang seryoso. Hindi kasi kami ma-pride kaya yung mga tampuhan ang bilis lang naming naaayos, masigasig pa kami mag-ipon para sana sa future…balak namin makapag-abroad soon para dun niya na itutuloy yung career niya as Engineer, at ako naman as Designer ---
Ashley:          Masyado naman kasing too-good-to-be-true ang relationship niyo bakla! Kita mo yan, for four years you have never been into a serious fight, you have never been challenged so ayan imbes na tumatag, pumurol lang yung relasyon niyo. What happened next? Nung finally dumating na ang greatest challenge, dumating na rin ang ending ng perfect relationship ninyong dalawa!
Anton:           Ano pala?! Dapat dati palang inaway-away ko na siya para napatagtag ko yung samahan naming dalawa, ganun ba iyon?!
Ashley:          Sana hindi ka nagpaka-martir nung umpisa palang nahuli mo nang may girlfriend siya! Sana hindi ka nagpaka-tanga dahil alam mo namang sa bandang huli, yung babae at yung anak nila ang pipiliin niya!
Anton:           Maayos naman naming napag-usapan yun that time. Nilinaw niya sa’kin na hindi naman niya mahal talaga yung babae, naanakan niya lang daw yun nung mga panahong hindi pa siya naglaladlad. Tapos isang araw sasabihin niya na lang sa’kin na ayaw niya na kasi narealize niya mahal pala talaga niya si Ghie at ayaw niya lumaki yung anak nila na hindi siya kasama, na nagising na lang daw siya isang umaga gusto niya na pala bumuo ng isang masaya at normal na pamilya. Kung alam ko lang, hindi ko na sana siya hinayaang magising pa nung umagang yun! Hayop siya! Walanghiya!
Ashley:          Mother tama na…
Anton:           Hindi ko naman ipapagkait sa kanya na maging isang mabuting ama dun sa bata. Ang gusto ko lang naman sumaya din ako kahit papaano. Masama ba iyon?  Masaya naman sana kami bru… hindi nga lang normal yung relasyon na meron kami. Ang masakit lang bakit kailangan niya kong lokohin at paniwalain na habambuhay kaming magsasama hanggang sa pagtanda namin. Mula nang nagsama kaming dalawa, sa kanya ko lang inilaan ang sarili ko, ang buong buhay ko! Ashley, kaya kong magtiis para sa kanya, sabihin lang niya, kaya kong pikit-matang tanggapin na may ibang pamilya siya… huwag lang niya kong iwan!
Ashley:          Tama na! Huwag ka namang magpakatanga ng ganyan bakla. Life is unfair, oo totoo yun, pero yung ikaw mismo magpapaka-unfair ka sa sarili mo, ibang usapan na iyon. May choice ka pa namang maging masaya…
Anton:           Si Matthew lang ang makapagpapasaya sa’kin, siya lang. Hindi ko na kayang magmahal pa ng iba…Ashley, hindi ko kaya.
Ashley:          Anton tama naa—
Anton:           Hindi ko kaya!!Ang sakit-sakit!!!
Ashley:          Naiintindihan kita per---
Anton:           Gusto ko nang mamatay! Now na!!
(Biglang sasampalin ni Ashley si Anton)
Anton:           Aray!! Bakit mo ko sinampal?!
Ashley:          Ang ingay-ingay mo kasi, hindi mo muna patapusin yung sinasabi ko! Ano, ikaw lang may moment dito,ganun?!!
(Hihikbi lang si Anton)
Ashley:          You know what Anton, that’s totally bullshit! Oo, masakit maloko sa isang relasyon, masakit maiwan sa ere. Pero anong gagawin mo, magpapaka-wasted ka na lang? Ikaw na nga ang iniwan, lalo ka pang magpapaka-loser! Magpakatagtag ka bakla, it’s just okay to cry out your pain, but not to the point that you will want to end up your life. You’re too young to be damn hopeless! At huwag mong sasabihing hindi ko naiintindihan dahil minsan na rin akong nasaktan at iniwan. Alam mo naman ang tamang solusyon d’yan sa problema mo, ayaw mo lang tanggapin at harapin! So if you’re still gonna push through with that suicide attempt ---
(Matitigilan si Anton at mapapatingin kay Ashley)
Ashley:          Give me the ample time to arrange your papers for your last will and testament. Dapat kasama kami nila Karren at Jeri sa mga pag-iiwanan mo ng kayaman mo. Kung hindi ka lang din magpapapigil, mabuti nang may mapakinabangan kami sa pagpapakamatay mo! (sabay tayo at alis ng bar)

Anton:           Walanghiya ka talaga! YOU DON’T DO THAT TO ME!!! Hoy bru, ikaw magbayad nito, mas marami kang nakain!! Hintayin mo ko bruha ka talaga ASHLEY!!!
ACT 5
(Madidilim sa bahagi nila Anton at magliliwanag muli sa bahagi ng entablado kung saan naroroon sina Victor at Jeri. Makikita sina Victor at Jeri na nasa kama.)
Jeri:                 I had 3 failed relationships in the past. Ako yung laging iniiwan. Isang taon na ang pinakamatagal, hindi ko siguro sila nagagawang pasayahin the way they wanted it to be. I wasn’t enough for them, natutunan ko ring tanggapin na hindi lahat ng nagmamahal at pumapasok sa isang relasyon, nagiging masaya at kuntento. Nakapapagod ng mag-commit, nagrereklamo na ang puso ko, napapagod na daw siyang masaktan.
Victor:            Sa tatlong yun, walang nangyari sa inyo kahit isang beses?
Jeri:                 Madamot ako pagdating sa sarili ko. Kapag pinilit ako, away ang resulta nun, and it always happen na kung kelan nandun na ko sa point na ready na kong may mangyari saka sila bumibitiw, saka nagkakaron ng problema. Ang gusto ko lang naman, the guy proves first na he’s worthy enough for me.

Victor:            Bakit sa’kin naibigay mo agad yung sarili mo, to think na nung gabi lang na yun tayo nagkakilala.
Jeri:                 I’ve learned enough the principle of my profession kaya even in my personal life, na-apply ko na rin. Nagbabago ang panahon, maraming kumpanya ang bumabagsak at nalulugi dahil masyado silang nagiging konserbatibo, hindi nila magawang yakapin ang pagbabago. Sabihin na nating just when I decided to make a change, that’s the time you came.
Victor:            Well ako naman, I’ve been to a lot of relationships before. Hoping to find the girl na madadala ko sa altar, but the last commitment I had was a great heartache. Dun ako nasaktan ng sobra, at time when I finally decided to be damn serious, dun pa ko niloko at sinaktan ng babaeng pinagbuhusan ko ng oras at pagmamahal. 
Jeri:                 And then you decided to just play around.
Victor:            They are all in for the game din naman. Sinong nagsabi na para lang sa mga bata ang paglalaro.
Jeri:                 Ang bata kapag nasaktan sa paglalaro, iiyak lang sandali, maya-maya naglalaro na ulit na parang walang nangyari.
Victor:            Ganun din naman ang mga matatanda. Unless…siniseryoso na nila yung laro. Masasaktan talaga sila dun Jeri, sa ganitong mundo, bawal pairalin ang puso.

Jeri:                 I know. That’s the no. 1 rule of the game.
Victor:            Nahuhulog ka na ba sa’kin Jeri?
Jeri:                 Paano kung oo…
Victor:            Hindi. Huwag dapat…
(Muling hahalikan ni Victor si Jeri habang nagdidilim ang ilaw sa buong entablado)
ACT 6
(Nakaayos ang lugar sa bahay nila Anton, nakalatag ang mga alak at pagkain sa mesa habang masayang nag-uusap sina Anton, Ashley at Karren)
Anton, Ashley, Karren: Cheers!!!
Anton:           As usual late na naman si Jeri, ano bang nangyayari sa friend nating yan. Lately, parating wala sa sarili!
Karren:          Siya na rin ang nagsabi, ang pag-ibig nangangain ng tanga, ayun na-tanga na ata.
Anton:           Don’t tell me she’s falling in love with my cousin, hay naku, sinabihan ko na siya ha, ayan silang dalawa, sinabihan ko sila.
Karren:          Pagmamahal sa puson lang naman ang nararamdaman nilang yun, komplikado nga talaga kung ganun ang pundasyon ng isang relasyon. Haay, buong araw na namang hindi nagpaparamdam si Tyrone ko, huwag niyang sabihing wala na naman siyang load dahil niloadan ko na siya kahapon (pinanggigilan ang cellphone)
Ashley:          Puro ka lang naman ganyan! Hindi mo rin naman natitiis ‘yang long time bf mo, malambing ka lang nang konti, bumibigay na agad. May nalalaman ka pang pagmamahal sa puson, yun naman ang trend ngayon diba.
Karren:          Puro ka trend, sa sobrang pagka-fashionista mo, pati relationship iniin-corporate mo to your principle of fad. Alam mo bru, sabihin na nating ganun ang usong set up ngayon, iba pa rin kapag hand in hand ang pagmamahal mula sa puso at pagmamahal mula sa puson, mas lalong matamis ang pagsasama, mas totoo, mas marubdob, mas nag-aapoy… haayy..
Ashley:          Bakit sa ten years ninyong pagiging magboyfriend-girlfriend, hindi pa rin kayo nagpapakasal ng Tyrone mo, ano bang plano niyo?!
Anton:           Si Karren kasi ang tagal magpropose!
Karren:          Peste! Pati ba naman pagpo-propose ako ang gagawa? Ako pa nga ang sumasagot ng pamasahe niya dahil madalas naso-short siya sa pera niya, at madalas yun pa ang napag-aawayan namin. Ang frustration ko lang naman sa kanya, yung the way he handles financial, dapat matutunan niya yun bago kami magsettle down.
Anton:           That’s the other trend today, babae ang mas kumikita kaya nga uso rin ang house husband ngayon diba, tapos yung babae ang breadwinner. Kaya magready ka na Karren!
Karren:          Kung ganoon lang din ang trending ngayon, dapat tubuan na lang din ng matres ang mga lalaki para sila na ang manganak!
Anton:           Aaay! Gusto ko yan, gusto kong tubuan ng matres.
Ashley:          Pero sa leeg daw tutubo yung matres ha, okay lang sa’yo?
Anton:           Leche! Ewan ko sa’yo!
(Papasok si Jeri na tulala at wala sa sarili. Dire-diretso lang itong lalakad at uupo sa gitnang bahagi ng sofa)
Anton:           Te? Na-hostage ka ba sa Mindanao at ginahasa ng mga rebelde? Para kasing latang lata ka at di mawari kung napano.
Karren:          Kakikita niyo lang ba ni Victor kaya hinang hina ka?
Jeri:                 Obviously guys, galing ako sa work, I’m in my office attire…
(Mangingibabaw ang katahimikan at magtitinginan ang tatlong kaibigan ni Jeri. Lalapitan nila ang kaibigan at palilibutan ito. Papasok ang malungkot na musika)
Ashley:          Bru…are you okay?
Anton:           What’s wrong Jeri, c’mmon tell us…
Jeri:                 I’m wrong.
Karren:          Ay, ngayon mo lang na-realize yan te?!
Ashley:          Ano ba Karina! What do you mean bru?
Jeri:                 I thought I could play the game. I’m wrong, I couldn’t…
Anton:           You’re falling for him. Jeri I told you before, walang siniseryosong babae ang pinsan kong ‘yan. I warned you, na baka sa huli magkasakitan lang kayong dalawa.
Jeri:                 I know. I’m just confused now with what I feel. Ayoko nang makipagkita sa kanya, pero ang hirap kalabanin ng sarili ko. Hindi na ko makapag-focus sa work ko, sa sarili ko, I’m totally lost and damaged. I never really played the game right, I’m a rule breaker, remember? And now it’s more than sex that I want, I want love, I want commitment and I don’t want anyone but him, I want only him. I’m falling in love for Victor.
Anton:           That’s impossible, he’s not ready for that Jeri, I know him so well,
Jeri:                 Ang hirap takasan ng sitwasyon ko ngayon, ang hirap makipag-wrestling sa sarili mong pagkatao. Nakakabaliw.
Karren:          Sabi ko naman sayo bawal pairalin ang puso.
Jeri:                 I know! Pero babae pa rin pala ko, a woman who’s longing to be possessed by a man she loves.
Ashley:          At lalaki pa rin si Victor, a man who’s longing to be freed from any commitment brought by relationship and love.
Anton:           There’s no other way but to put closure to this Jeri. Talk to Victor, talk about it.
Jeri:                 Ang lagay e ako pa ang unang makikipag-usap? No way! (Humahagulgol na si Jeri)
Ashley:          Bru..tama na! Nasisira na yung make-up mo, huwag ka na umiyak. Sabi ko naman sa’yo i-enjoy mo lang yung sex, bakit kasi na-inlove ka sa bruskong yun. (Lalong lalakas ang paghagulgol ni Jeri)
Jeri:                 Basta itaga niyo ‘to sa bato, hinding-hindi ko gagawin na ako ang unang makikipag-usap sa kanya! Masyado nang natatapakan ang pagkakabababe ko dito, masyado na kong naaagrabyado! HINDI KO SIYA KAKAUSAPIN, HINDI AKO MAKIKIPAGKITA SA KANYA, HINDI! HINDI! HINDI!
Anton:           Friend, may tumatawag sa cellphone mo, si Victor.
(Mabibilis na sasagutin ni Jeri ang cellphone)
Jeri:                 Hello Victor! Nasaan ka? Sige, papunta na ko, antayin mo ko d’yan.
(Magpapalam na kina Anton at mabilis na lalabas ng entablado. Maiiwang nakanganga ang tatlong magkakaibigan)
Karren, Ashley:        Anyareee?!!
Anton:           Hay! Kaloka ang lola niyo te!
Karren:          Baka naman Jeri has changed her mind and decided to confront Victor na kaya ayun biglang nagkumahog ng umalis.
Ashley:          Hmmm, o baka naman nung narinig niya ang boses ni Victor bigla kiniliti sa singit ang Lola Jeri ninyo.
Anton:           Ano ba Ashley, wala na bang ibang laman ‘yang utak mo kung hindi sex.
Ashely:          What’s wrong with that?! Don’t tell me you’re not missing it?
Anton:           May sinabi ba kong hindi?! Namimiss ko na nga, daig ko pa ang El Nino sa pagkatigang, I miss Matthew, the way he kisses me on my lips, to my chin then to my ears…going all the way down to my chest to ---
Ashley & Karren: Hey!!!! Stop it!!!!
Karina:           Ayokong masuka, ang sarap ng kinain kong Chicken Curry kanina and may I just remind you that this is not your moment!
Anton:           Bwiset talaga kayong dalawa! Kahit kailan mga kontrabida kayo! Going back to you Ashley Montes, girl there’s more to life than sex! When will you grow up spoiled bitch? You’re almost on your mid 20’s, it’s about time to stop your game with all the boys!
Ashley:          What are you saying bakla?! Bakit biglang sa akin ang punta ng usapan. I don’t believe in relationship, and I’m too young to get serious about life. Well at least I’m serious now with my career, I’ll be a lawyer soon and I swear I’m gonna put to jail all those idiots that made you guys cry!
Anton & Karren: Owsss!! Talaga lang ha!
Ashley:          I appreciate your concerns but don’t you worry about me. I know what I’m doing. Hindi ko palang talaga nahahanap yung right man for me.
Karren:          Well how could that be? Kapag nahuhulog na sa’yo yung guy saka mo siya iniiwan sa ere! Paano ka nga naman magkakaroon ng isang matinong relasyon!
Ashley:          Will you please stop accusing me! Tinatama ko lang ang mga maling akala nila. They don’t know me that well to be able to say that they are already falling in love with me. I just don’t want to fall again in the same trap that Johnny had set up for me, he made me believed that we could make a good couple. Then what happened next? Dahil hindi niya ko kayang ipaglaban sa parents ko, he just dumped me like a trash! I knew it very well now when the guy’s words are real or just plain bullshit!
Anton:           Johnny didn’t find you serious about him, well I’m not at all surprised because you’ve never been serious to anyone since you broke up with your long time boyfriend Ryu. Kaya ikaw Karren, ayusin mo na yang relasyon mo sa long time boyfriend mo kung ayaw mong mag-end up nang mas malala pa sa bruha na ‘to! That’s what generally happens to someone who had wasted long, good years of relationship.
Ashley:          Stop it Anton! That was years ago. I was too young and idealistic about relationship then. I still believe in a fairy tale kind of love! We’ve been into 3 years of relationship and we even came to a point that we were already discussing marriage. Kung natuloy pala yun, I will be married at the age of twenty one!
Karren:          Ano nga ba kasi naging problema niyo that time?
Ashley:          Nagsawa kami sa isa’t isa. As simple as that.
Karren:          As in ganun lang… Well, dumadating nga siguro sa punto na napapagod ka sa isang relasyon at parang nagdadalawang isip ka na kung itutuloy mo pa o ititigil mo na.
Ashley:          Karren, magkaiba ang napapagod sa nagsasawa. Ang napapagod kailangan lang nang pahinga, ang nagsasawa dapat tumitigil na. It next to nonsense na ipilit pa ang mga bagay if you’ve already losen the compassion to do so. In my case, we fell out of love.
Anton:           And that’s another invalid reasoning. If falling out of love is the only basis of separation, dapat maraming mga mag-asawa na ang nagpa-annul o kaya maraming relasyon na ang hindi na umabot pa sa pagpapakasal. Normal sa dalawang tao na nasa isang relasyon ang ma-fall out of love, kailangan lang hindi nila sabay maramdaman yun. Dahil by the time na ma-fall out of love yung isa sa kanila, it’s the responsibility of the other half to make the relationship survive.
Ashely:          Well, in our case nga, we fell out of love at the same time.
Anton:           Kaya pala after a month you attempted suicide because you realized that you still love him sooo much!! Kaya nang dumating sa buhay mo that other guy named Mark, dali-dali kang umariba for a sweet escape of your heartbreak, only to find out after several months of your affair that he has made you his mistress at pumayag ka naman sa ganung setup! You transformed entirely into a hardened bitch, a sultry siren who won’t give a shit to be called a home wrecker!
Ashley:          That’s a lie! I didn’t know that Mark is married to someone else!
Anton:           But even after you found out, you still continued the affair with him, because you fell in love with him already. Kung hindi pa mismong asawa niya ang susugod sa’yo habang lambutsingan kayo ng lambutsingan ni Mark doon sa coffee shop hindi ka pa tuluyang matatauhan.
Ashey:           Ikaw ba naman luhuran ng babaeng eight months nang buntis, at nagmamakaawang huwag agawin ang asawa niya sa kanya, hindi ka ba mapapaisip nun! That woman was so pathetic, and Mark was a total ass-hole!
Anton:           That’s my point Ash. Once and for all, stop playing games with these kinds of people. In the first place hindi mo rin naman sila masisisi, because you’re actually the one who’s giving them the reason to treat you like that, a fling, a past time, a casual hook up ---
Ashley:          Stop it!!! Ang kapal ng mukha mong sabihan ako ng ganyan! How dare you judge me?!
Anton:           Putangina naman Ashley! I’m not judging you, I’m just telling you how these guys see you as a woman –
Ashley:          Tarantada ka palang bakla ka, they didn’t even treat me as a woman base sa mga pinagsasabi mo.
Anton:           Then it comes from your own mouth now, you’ve never been a woman to them, you were never treated as one, not even a bit of being a woman!
Ashley:          Fine. So this is all I get from standing by your side as a friend.
Anton:           Please stop all these dramas! I’m saying this to you because I’m your friend and it’s now about time to open your eyes on all these whoring! I’d rather let you hate me for hurting you with the truth than keep my mouth shut and hate myself for not making you change your wrong ways.
Ashley:          Talaga, bakit yung ginagawa mo ba, are those the right ways?
Anton:           I should have reacted and answered like the way you do now when we were at the bar. But I opted to listen to all that you were saying because I know it all makes sense. Sana ganun din ang naiisip mo sa mga oras na’to.
Ashley:          But why do you still have to remind me of all those morons! Tama na! Kahit na ganito ko in my outside, giving you this tough personality as if I’m unbreakable, still I am breakable! Be sensitive naman! Akala niyo ba hindi ko naiisip na kaya nagkakanda-leche leche lagi ang mga relasyon ko kasi wala nang lalaking sumeseryoso sa’kin! Akala niyo ba I’m celebrating the idea that I’m being looked upon as a professionally educated whore! Napapagod na rin ako na palaging ganito, paulit-ulit na lang…pero anong gagawin ko? Hindi ko na rin alam, hindi ko kailangan ng kritiko, hindi ko kailangan ng manghuhusga sa mga mali ko dahil sa simula pa lang naman alam ko nang mali lahat iyon! Hindi niyo na kailangan pang ipamukha sa’kin!
(Kukunin ni Ashley ang bag at dali-daling lalabas ng stage)
Karren:          Bru san ka pupunta?! Sandali!!
(Maiiwan sina Karren at Anton unti unting magdidilim ang ilaw sa bahaging iyon ng entablado)
ACT 7
(Unti-unting magliliwanag sa kabilang bahagi ng entablado kung nasaan si Victor at Jeri kasabay niyon maririnig ang musikang pangromansa. Muling makikita sina Victor at Jeri sa kama.)
Victor:            You know what, when I’m with you it feels like this whole new thing is different.
Jeri:                 Talaga, bakit mo naman nasabi? Ano naman ang kaibahan ko sa mga babaeng nakakasama mo.
Victor:            You’re a person with deep sense Jeri. Parang kulang ang isang buong araw na kasama ka, you’re becoming like a drug to me Jeri.
Jeri:                 Victor…
Victor:            Hmmm…
Jeri:                 Where are we going… where is this going?
Victor:            Sa langit.
Jeri:                 I’m serious Victor. What will gonna happen to us?
(Mapapatigil si Victor sa ginagawa, maririnig ang nakalulungkot na musika at magsisimulang maging emosyonal si Jeri)
Victor:            Jeri, there’s no us. I’m not ready for any commitment now. You know everything about my fear of commitment. We’re okay naman diba, we’re okay to be like this. C’mmon Jeri, let’s not make it harder for the both of us. Pareho natin ‘tong gusto, ayokong lumayo sa’yo, let’s just continue being like this.
Jeri:                 I also have my own fears…fear of falling in love with you Victor…fear of wanting a commitment… fear of giving importance to my pride and dignity as a woman. I’m afraid these fears are now getting started to materialize. Anong meron tayo ngayon Victor?
Victor:            Hindi ko alam, hindi ko alam Jeri. Walang tayo. Hindi kailanman nagkaroon ng tayo.
Jeri:                 At hindi kailanman magkakaroon ng tayo, ganun ba yun Victor ha,
Victor:            Jeri…I’m sorry, hindi ka naman mahirap mahalin. Jeri, it’s-not-you-but-it’s-me…
Jeri:                 Yes I know. I know you’re gonna say that.
Victor:            Sorry…
Jeri:                 Don’t be sorry.
Victor:                        I’m sorry Jeri.
(Tatayo na si Victor para magbihis, tatangkain pang humalik muna kay Jeri pero iiwas na si Jeri at tuluyan nang lalabas ng entablado si Victor. Sa paglabas ni Victor, bubuhos na ang emosyon ni Jeri, sa wakas maibubuhos niya na ang lahat ng sakit na kanina pa niya gustong pakawalan)
Jeri:                 Tanga ka talaga Jeri. Sasabi-sabi ka pa na you won’t fall for that fucking guy, tapos ngayon heto ka, iiyak-iyak. As usual, narinig mo na naman ang pamosong linyang it’s-not-you-it’s-me tapos may I’m sorry pa sa bandang dulo. That’s the hardest word to hear from someone that you love. Dahil kapag sinabi na ng isang lalaki ang sorry at umalis, it means, tapos na ang lahat para sa inyong dalawa, magalit ka man o magwala, tapos na ang lahat.
Sabi ng ibang tao, ikaw daw ang tipo na parang hindi naman kailangan ng lalaki. Masyado kasing strong ang personality mo, masyado kang matapang,palaban, intimidating, they’re thinking na you can always take care of yourself, hindi lang nila alam at hindi nila nakikita, na you’re just waiting for someone who will prove to you that you can’t. You need someone to let you feel that you’re still and will always be a woman…Babae ka pa rin Jeri, kahit sabihin nilang malakas ka at matapang, babae ka pa rin.
(Tatayo at pupunta sa mesa malapit sa kama. Magsasalin ng wine sa baso)
Jeri:                 And now you need to find your way out, pinasok mo to e, ginusto mo to in the first place. How could you think of playing the game… now it’s the end of you and Victor. You’ve violated the most important rule, you fall in love with him so there…cheers to your defeat! THE GAME IS OVER. (sabay tungga sa baso ng wine,maririnig ang lumang ballad music at unti-unting magdidilim sa bahaging iyon ng entablado)
ACT 8
Dahan dahan naman magliliwanag sa kabilang bahagi ng entablado kung saan nakaayos ang sala ni Anton. Makikita ito na nakaupo sa sofa habang umiinom ng whiskey mag-isa. Naka-on ang disc player habang nakikinig sa ballad music. Papasok si Victor at uupo sa kabilang dulo ng sofa)
Anton:           So here’s another one. Haay, sumasakit ang ulo ko sa mga problema ng mga taong ‘to.
Victor:                        Insan..
Anton:           How’s Jeri?
(Hindi makaiimik si Victor, aabutan siya ni Anton ng basong may whiskey)
Anton:           I knew it! Victor tell me ano ba talaga ang problema? You already have what you want in life, you are very successful now on your career. I think it’s about time for you to settle down, tell me what’s hindering you now for doing this? What’s wrong with Jeri? Hindi mo ba siya gusto, wala ka ba talagang nararamdaman for her?
Victor:            It’s not that easy Anton. There’s nothing wrong about Jeri, the problem here is me and my immature self!
Anton:           Then it’s about time to grow up and be mature.
Victor:            Easy for you to say that. I’ve been to a lot.
Anton:           So did Jeri, so was I. All of us have been to a lot!
Victor:            I know. I just find it too fast, Jeri fell in love with me too fast.
Anton:           It’s hard for women to not involve their body and soul whenever they are engaged to this thing called sex. They are just good in pretending but in truth they really can’t do it without involving their emotions.
Victor:            Tsk. Paano mo nalaman never ka namang nagkaroon ng girlfriend.
Anton:           Well I believe I don’t have to explain it any further that I’m a woman trapped in the body of a handsome man. Tse! Mga babae kaibigan ko, hindi ko pa ba malalaman yung mga ganung bagay? You know what Victor, you’re just too scared of being in a relationship. Masyado kang nagpapa-under sa sarili mong multo.
Victor:            I just don’t want to make another mistake. Siguro kung nakilala ko na si Jeri bago pa naging kami ni Roxanne noon, it wouldn’t be this hard for me to decide. Nasaktan na ko ng sobra bago pa dumating si Jeri sa buhay ko. I just don’t want to be unfair with her now, akala ko lang talaga malinaw na ang set up namin sa simula pa lang.
Anton:           It only shows that you’re not yet healed from your past heartbreak. You’re waiting for that someone while you have Jeri to stay by your side, but it’s clear enough that Jeri isn’t the one you’re waiting for…
Victor:            Or she can be the one… Ewan ko, magulo talaga ang isip ko. I don’t wanna lose her but I don’t wanna keep her as my girlfriend.
Anton:           So ano, special friend? Ganun?!
Victor:            Jeri doesn’t deserve this shit that I’m giving her… she has had enough of heartaches from me.
Anton:           But I think you have taught her a great lesson. Jeri never chooses to settle for this kind of set up. (Mapapabuntung hininga) Kapag nagsama ang dalawang taong halos magkapantay ang emotional immaturity, dalawang bagay lang ang pwedeng mangyari, either maghatakan sila pababa o sabay silang mag-grow up.  Victor you can’t live your life forever like this, flirting and hurting all the women who come your way.
Victor:            I know. As always, there’s no other way but to move on. I need to start things over again insan, but not with Jeri. Masyado ko na siyang nasaktan, the damage is now beyond repair… maayos man baka mauwi lang sa mas marami pang kumplikasyon. Ganoon nga siguro yun insan, masakit isipin pero may mga taong dumarating sa buhay natin para turuan tayo ng mahalagang lesson, but further than that they have no other business to do in our lives. Mas madalas, no matter how we wanted that person to stay with us, things will just never allow. Kasi siguro, it’s not just really meant to be, kapag ipinilit pa lalo lang magkakasakitan. Cheers to my another heartache.
Anton:           Cheers to the new Victor.
 (Sabay nilang iinumin ang whiskey at magpapalam na si Victor)
Victor:            Thanks for the time Anton ha, I need to go. Please take care of Jeri.
(Aalis na si Victor at lalabas ng entablado. Maiiwan ulit si Anton na parang natulala sa sinabi ni Victor)
Anton:           ..not meant to be. Siguro nga, Matthew and I are just not meant to be. But I miss him, I miss him so much… (magsisimula nang tumulo ang mga luha ni Anton subalit biglang tutunog ang kanyang cellphone, maririnig mula sa kabilang linya ang boses ni Karren)
Karren:          Anton…
Anton:           Karren?! What’s up? Bakit ganyan ang boses mo parang boses mangkukulam..
Karren:          Nag—pa-ka—matay aahh—ko..
Anton:           WHAT?!! Nagpakamatay ka? Bakit kausap kita ngayon…eeekkk! Karren, huwag mo naman akong multuhin ng ganito.. saan namin hahanapin ang bangkay mo friend..I can’t believe this nakikipag-usap ako sa patay..
Karren:          Bu—hayyy pa ko… dit—to sa con-do ko.. dal-hiin mo koo hos—pital!
Anton:           Buhay ka pa? teteka—teka, papunta na ko dyan, papunta na ko! Huwag kang bibitaw sa paghinga okay,think of happy thoughts, think of happy thoughts! Nandyan na ko, teka tatawagan ko sila Ashley… (dampot sa isang cellphone) Ashleyy!!!
(Black out)
ACT 9
Magliliwanag ang ilaw sa bahagi ng entablado kung saan nakaayos ang isang kwarto ng hospital. Makikitang naroroon si Karren, naka-dextrose at tulala. Nakaupo si Anton sa sofa malapit sa kama ni Karren, hawak ang kopa ng wine.Humahangos na papasok sina Jeri at Ashley.
Ashley:          Friend!! Salamat naman sa Diyos at buhay ka.Akala ko tuluyan mo na kaming iiwan.
Jeri:                 Friend, bakit mo naman naisipang magsuicide? Hindi mo pa nga tapos hulugan yung memorial plan na kinuha mo sa’kin.
Anton:           Wow! Mas concern pa talaga sa raket Jeri? Hay ewan ko ba dito sa bruhang Karren na’to. Magko-commit ng suicide tapos bigla namang magbabago ng isip. Ayan na sana si Kamatayan ate, all set na ang karit para kawitin iyang leeg mo, at ang mga anghel at cherubim nilatag na ang red carpet sa langit para sa iyong grand entourage!
Walang maririnig na salita mula kay Karren. Bigla na lamang itong aatungal ng napakalakas.
Karren:          Waahh! Hindi ko kaya na wala si Tyrone! Hindi ko kakayanin!
Jeri:                 Kaya mo yan Karren. Hindi pa sa ngayon pero kakayanin mo –
Karren:          Hindi! Hindi ko kaya! Waahh!!! (Lalong lalakas ang pag-atungal)
Jeri:                 Sinabi nang kaya mo! Bubusalan ko ng mansanas yang bibig mo, nakababasag ng eardrums yang ingay mo!
Pipigilan nila Ashley at Anton si Jeri na akma na ngang bubusalan sa bibig sa Karren.
Anton:           Tama na Jeri, ano ba?! Patulan ba daw!
Mahihila nila Anton at Ashley si Jeri papalayo,sabay mapapatigi sa pag-iyak si Karren.Subalit ilang segundo lang, muli na naman itong aatungal nang mas malakas pa sa nauna.
Ashley:          Tumigil ka na Karren!! KAPAG HINDI KA PA TUMIGIL ISUSUMPA KITA NA SANA MABAOG KA AT HINDI NA MAKATIKIM NG SEX KAHIT KAILAN!
Biglang tahimik si Karren
Karren:          Ang harsh naman nun bru!
Ashley:          Ang sakit sa tenga ng ngalngal mo. Sabihin mo nga muna sa amin kung anong totoong nangyari.
Karren:          Nakipaghiwalay na ko kay Tyrone.
Jeri:                 Bakit ikaw ang nagsuicide? Dapat si Tyrone!
Anton:           Friend, hindi naman na bago sa relasyon niyo ni Tyrone ang away-bati, pero bakit umabot ngayon sa ganito na gusto mo nang wakasan ang buhay mo.
Karren:          Naramdaman ko na kasi friend na this time, totoo na talaga yung hiwalayan namin.
Jeri:                 May third party ba na involve?
Karren:          Meron. Kasamahan niya sa office, ang masakit pa hindi naman kagandahan yung babae.Damuhong na yun, hindi man lang namili ng mas maganda at mas seksi sa’kin. Nahulog daw ang loob niya ng hindi sinasadya, mabait at matalino daw kasi yung Mariel na yun, at higit sa lahat wife material daw! Putanginang Tyrone yan, sa ten years naming magkarelasyon, four years dun halos para na kaming nagli-live in! Nakuha pa niyang mahulog sa iba na halos isang taon palang naman niyang kilala! Ano yan, nainlove nang hindi mo inakala! Alam ko hindi ako masipag sa mga gawaing bahay, tanga ako pagdating sa kusina, pero fuck, napapaigtad ko siya sa kama! At higit pa dun napagtiyagaan ko siya ng mahabang panahon, leche siya, isusumbat pa niya na masyado daw akong dominating, sunud-sunuran daw siya sa mga gusto ko, na nagsasawa na daw siya! Kaya ko namang ako yung sumunod sa kanya, but he’s not taking in charge of our relationship so what does he expect me to do? Pati lifestyle ko pinupuna niya, lahat naman ng pinagkakagastusan ko pinagtatrabahuan ko, hindi naman ako nanghihingi sa kanya, ako pa nga ang nagbibigay diba? Lahat-lahat na ibinigay ko pero sa huli ako pa rin ang nagkulang…
Maririnig ang malungkot na musika. Patatahanin ni Jeri si Karren habang si Ashley naman, lalayo ng mga ilang hakbang mula sa mga kaibigan, hawak nito sa kamay ang baso ng wine.
Jeri:                 Sssh..tahan na girl. Maybe you have loved and given Tyrone so much that you forgot to leave something for yourself.
Anton:           Minsan kasi akala natin giving too much is all enough to secure our relationship. Pero mali pala yung ganun. Sa case niyo, you have given him everything that you have to give, but still na-fall out of love pa rin siya. It only means, sa mga ibinigay mo sa kanya, wala doon yung kailangan niya.
Karren:          Pero ako, kailangan ko siya.
Jeri:                 Karren, sa umpisa palang alam mo nang hindi naibibigay sa’yo ni Tyrone yung bagay na kailangan mo, yung bagay na dapat naibibigay niya sa relasyon niyo. You’ve been in denial for all those years, you and tyrone have suffered enough from this. Tama na.
Anton:           At least spare some respect for yourself Karren, don’t you sink on this, not an inch should you sink on this…
Iiyak si Karren pero sa puntong ito, mararahang mga hikbi na lang ang maririnig.
Ashley:          Guys, what’s wrong with us? Bakit hindi na tayo naging masaya? We want nothing but to be happy. Hindi na tayo nawalan ng kahati sa mga taong gusto natin, hindi naman tayo mga banal pero bakit tayo ang laging nagpaparaya, tayo ang laging naiiwang luhaan.
Jeri:                 Ginagawa lang kasi natin kung ano yung nararapat. I don’t think naman na one sided lang yung pain ng mga heartbreak na to. I’m sure, kahit sila nakararamdam din ng sakit, hindi lang natin alam kung kasing-tindi rin ba ng sakit na nararamdaman natin.
Anton:           Pasasaan ba’t matatapos din ang lahat ng mga kadramahang to. THIS TOO SHALL PASS, ayan si bestfriend natin sa itaas o, hindi tayo pababayaan niyan.
Ashley:          Kunsabagay tama kayo. Kaya nangyayari ‘tong mga bagay na to para turuan tayo ng lesson natin, para hindi na natin gawin ang mga hindi dapat gawin.
Jeri:                 At hindi na ipilit ang bagay na lalo lang makasasakit sa atin.
Anton:           Likewise, para matutunan na lahat ng bagay lilipas din. Masaya man o malungkot na pangyayari lahat yun lilipas din, maaring yung mga masasayang bagay na nangyari, iiyakan natin sa hinaharap kasi na-miss natin. Iyong mga malulungkot na bagay naman from our past tatawanan na lang natin in the future kasi hindi tayo makapaniwalang once in our lifetime, nagpakatanga tayo dahil sa love.
Karren:          I’m really grateful to have you guys… and I’m really thankful now na buhay pa ko. Hope we have all learned our lessons now.
Anton:           At dahil dyan let’s have a toast, pero sayo Karren tubig na muna, o ayan.
Jeri:                 Sabi nga there’s a time for everything. So let’s just enjoy and never give up on life! Cheers!
Ashley, Anton, Karren: Cheers!
WAKAS