Ipinapakita ang mga post na may etiketa na filipino poem. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na filipino poem. Ipakita ang lahat ng mga post

Miyerkules, Marso 23, 2016

Saka na lang


ni Uel Ceballos

Saka na lang

kapag handa ka nang makisigaw,

makitawa, at makiiyak.

Saka na lang

kapag buo na ang loob mo.

Sasamahan kita.

Sabay tayong mahuhulog.

Sabay nating mararamdaman

kung paano humiwalay ang kaluluwa sa katawan,

ang puso sa isipan.

Saka na lang.

~ ~ ~

Ang simula ng maraming huling beses

ni Uel Ceballos


Habang naghihintay ng taxi papuntang airport,

narinig ko ang boses niya.

Sa paglingon ko ay patakbo siyang yumakap sa'kin.

Mahigpit.

Natapos ang yakapan na siya ang unang bumitaw.

Doon na natapos ang hindi naman napangahasang simulan.

Ngumiti lang siya.

Ngiting hindi tugma sa sinasabi ng mga mata.

Tumalikod na ko para mag-abang muli ng masasakyan.

Alam kong tumalikod na rin siya.

Lumingon akong muli sa pag-asang

ganun din ang gagawin niya.

Pero diretso siyang naglakad papasok sa gusali.

Sana man lang nagawa niyang tumingin.


Iyon na ang huling beses na lilingunin ko siya.