by Uel Ceballos, circa 2003
It was late in the evening I was walking,
the night was obscure and quite tingling.
Emotion was blend with the insects crooning
from the nearby bushes there were crickets sounding.
I was walking alone and no one was around.
In my hand was my guitar and I sat in the lawn.
I started to strum and the night began to hum
The wind gave a kiss and the trees
commenced to dance.
The shadows in the grasses were moving
left and right.
The mystic moon above showered the
night a beaming light.
I was amazed when I looked to the sky
because encircled by the stars above was a
a moon in ardent fire.
The night wind blew and I shivered
It made me sad, it was you I remembered.
In this night so bright we were walking together
with our hands entwined in that cold
night of September.
Though I knew that we were now afar
Somehow I thought that you were wishing
on the same star
As I prayed in the meadow while the
scarlet started to bloom
I stood upright and watched the blazing moon.
Martes, Setyembre 30, 2014
Sa May Durungawan
ni Uel Ceballos, circa 2008
Naghihintay ang lahat,
tahimik na pinagmamasdan
ang gurong pinagmumulan ng tinig
tangan ang pulang pluma at talaan.
Sa isang gilid ng apat na sulok,
naroon si Maria sa may durungawan.
Naglalakbay ang diwa,
isang kaluluwang tulala
nakatingala sa pugad ng kalangitan.
Humuhuni ang ibon na parang anghel
sinusundo na yata ng mga alagad ni Gabriel.
Umindak si Amihan at naging dagat ang ulap,
itong si Maria naakit lalo sa pangangarap.
"Ulap! Maari bang ako'y ilipad?"
tanong ngayon ng nagmumuni niyang isipan.
"...tinig ng kanyang liksiyon hindi ko maulinigan,"
Hanggang sa bumagsak ng marahan
talukap ng mga matang nangingislap.
Nagsusumigaw ang panaginip,
"Halika na Maria! Halika na!"
Ngunit sa isang bugso isang tinig
ang sa kalangitan ay kumulog.
"Tila nililipad sa malayong lugar ang iyong isip,
maari bang pakiulit ang aking sinambit,
Maria Lourdes Macaraig?"
Naghihintay ang lahat,
tahimik na pinagmamasdan
ang gurong pinagmumulan ng tinig
tangan ang pulang pluma at talaan.
Sa isang gilid ng apat na sulok,
naroon si Maria sa may durungawan.
Naglalakbay ang diwa,
isang kaluluwang tulala
nakatingala sa pugad ng kalangitan.
Humuhuni ang ibon na parang anghel
sinusundo na yata ng mga alagad ni Gabriel.
Umindak si Amihan at naging dagat ang ulap,
itong si Maria naakit lalo sa pangangarap.
"Ulap! Maari bang ako'y ilipad?"
tanong ngayon ng nagmumuni niyang isipan.
"...tinig ng kanyang liksiyon hindi ko maulinigan,"
Hanggang sa bumagsak ng marahan
talukap ng mga matang nangingislap.
Nagsusumigaw ang panaginip,
"Halika na Maria! Halika na!"
Ngunit sa isang bugso isang tinig
ang sa kalangitan ay kumulog.
"Tila nililipad sa malayong lugar ang iyong isip,
maari bang pakiulit ang aking sinambit,
Maria Lourdes Macaraig?"
Mga etiketa:
literatura,
malikhaing pagsulat,
sulatin,
tula,
tulang tagalog
Sa Pagitan ng mga Patlang
ni Uel Ceballos, circa 2008
Naghari ang katahimikan sa buong silid
kasabay ng mga luhang nangingilid
matang kinusot ng mahabang panahon ng paghikbi.
Walang kaluskos
ni ang mga dahong nagsasalimbayan sa labas ng durungawan
ay waring nakikiayon sa isang mahabang patlang,
patlang na lalong pinatatagal ng mabagal na pagtakbo
ng orasan.
Alas kuwatro y media
Alas kuwatro u media ng huling marinig
ang huling pantig na pilit pinakawala sa nagsasarang lalamunan...aah!
Isang mahinang tinig na humulagpos sa apat na sulok.
Sa apat ng sulok na binalutan ng lumbay, pagsisisi at sari-saring damdaming
inamag na sa tagal ng pagkakakubli.
Doon sa apat na sulok na nilisan ng apat na anak
kung saan namalagi ang matandang umaga't gabing inaalala
ang noo'y maliliit pa niyang mga supling na salit-salitang sumasalabay, humihila
sa halos mapunit niya nang puruntong.
Kasabay din noon ang pagtanghod sa kusinang may anim na pinggan,
anim na basong magkakaiba ang sukat at kulay, anim na pares ng kutsara't tinidor.
Sa tuwing sasapit ang alas kuwatro y media ng hapon
ay muling gumuguhit sa kanyang isipan ang anyo ng kabiyak
na yumao halos mahigit tatlong dekada na ang nakalilipas.
Wari bang nauulinigan pa rin ang kalansing ng mga kalderong nagsasagian
habang pumapailanlang sa hangin ang ginigisang karne at gulay,
kung minsa'y ang nakaiilang na ugong ng de bombang kalan,
o di kaya'y sipol ng takureng niluma na ng sandaang nakaraan.
Sa pagitan ng mga patlang, pumapatak ang mga luhang tumatagos sa kailaliman
ng sahig na inalpombrahan ng alikabok.
Walang nangahas lumikha ng salitang pupunit sa patlang na gawa ng pusong
nagpasya nang tumigil sa pagtibok.
Isang mahabang patlang na iniwan ng matandang kailanma'y hindi naglagay
ng patlang sa pagiging ama.
Patlang na nagsusumigaw, nakabibingi, nakahihiwa ng malalim na sugat
sa didbdib na pinangingibabawan ng mahabang panahon ng pangungulila,
ng pagdiriwang mag-isa ng pasko't bagong taon,
na pinatatamis na lamang ng mga namamaskong paslit,
na mga paputok na pinakakawalan sa kalangitan
kasabay ng mga hinanakit na pilit iwinawaksi sa puso't isipan.
Marahan na ring umihip ang hangin.
Hudyat ng pagwawakas ng patlang
at tanda ng pagsisimula ng panibagong ingay na katagala'y
magwawakas muli sa isang patlang.
Kumawala na ang mga luhang sinaliwan ng mga katagang
tumatagos sa pader at umaalingawngaw sa pagitan ng mga punong
piping saksi sa isang pagluluksa.
Pagluluksang naganap pagkatapos ng mahabang taon ng mga patlang
sa pagitan ng ama at ng mga anak.
Naghari ang katahimikan sa buong silid
kasabay ng mga luhang nangingilid
matang kinusot ng mahabang panahon ng paghikbi.
Walang kaluskos
ni ang mga dahong nagsasalimbayan sa labas ng durungawan
ay waring nakikiayon sa isang mahabang patlang,
patlang na lalong pinatatagal ng mabagal na pagtakbo
ng orasan.
Alas kuwatro y media
Alas kuwatro u media ng huling marinig
ang huling pantig na pilit pinakawala sa nagsasarang lalamunan...aah!
Isang mahinang tinig na humulagpos sa apat na sulok.
Sa apat ng sulok na binalutan ng lumbay, pagsisisi at sari-saring damdaming
inamag na sa tagal ng pagkakakubli.
Doon sa apat na sulok na nilisan ng apat na anak
kung saan namalagi ang matandang umaga't gabing inaalala
ang noo'y maliliit pa niyang mga supling na salit-salitang sumasalabay, humihila
sa halos mapunit niya nang puruntong.
Kasabay din noon ang pagtanghod sa kusinang may anim na pinggan,
anim na basong magkakaiba ang sukat at kulay, anim na pares ng kutsara't tinidor.
Sa tuwing sasapit ang alas kuwatro y media ng hapon
ay muling gumuguhit sa kanyang isipan ang anyo ng kabiyak
na yumao halos mahigit tatlong dekada na ang nakalilipas.
Wari bang nauulinigan pa rin ang kalansing ng mga kalderong nagsasagian
habang pumapailanlang sa hangin ang ginigisang karne at gulay,
kung minsa'y ang nakaiilang na ugong ng de bombang kalan,
o di kaya'y sipol ng takureng niluma na ng sandaang nakaraan.
Sa pagitan ng mga patlang, pumapatak ang mga luhang tumatagos sa kailaliman
ng sahig na inalpombrahan ng alikabok.
Walang nangahas lumikha ng salitang pupunit sa patlang na gawa ng pusong
nagpasya nang tumigil sa pagtibok.
Isang mahabang patlang na iniwan ng matandang kailanma'y hindi naglagay
ng patlang sa pagiging ama.
Patlang na nagsusumigaw, nakabibingi, nakahihiwa ng malalim na sugat
sa didbdib na pinangingibabawan ng mahabang panahon ng pangungulila,
ng pagdiriwang mag-isa ng pasko't bagong taon,
na pinatatamis na lamang ng mga namamaskong paslit,
na mga paputok na pinakakawalan sa kalangitan
kasabay ng mga hinanakit na pilit iwinawaksi sa puso't isipan.
Marahan na ring umihip ang hangin.
Hudyat ng pagwawakas ng patlang
at tanda ng pagsisimula ng panibagong ingay na katagala'y
magwawakas muli sa isang patlang.
Kumawala na ang mga luhang sinaliwan ng mga katagang
tumatagos sa pader at umaalingawngaw sa pagitan ng mga punong
piping saksi sa isang pagluluksa.
Pagluluksang naganap pagkatapos ng mahabang taon ng mga patlang
sa pagitan ng ama at ng mga anak.
Mga etiketa:
literatura,
sulatin,
tula,
tulang tagalog
Biyernes, Setyembre 26, 2014
Duped by Fate: The End of Dissimulation
by: Uel Ceballos
Woman:
Woman:
I Love You...
Emotionally moved by your constant presence
Clasped in the arms of compassionate solicitude
I rested there in fetal curve, in my new orb with you
Man:
This
is goodbye now forevermore...
For
I have lost myself again in the sea of deception
Forgive
me for pulling you down in my doomed world
Just
when I thought you could light up my world,
I
have darkened yours.
Woman:
You tugged me out from the entangled web of doom
From what seemingly an inescapable derangement
Hand entwined, we hurried on our way out
From the intricate spun of paths that we were both caught into
Man:
We
were both the darkness searching for the light
How
blind was I to not see? What have I done?
You
were strong as the stag but your heart was like the sand
Pristine
and granting, but weak to the cruel ocean.
Woman:
A dose of sweet escape anesthetized us from the searing sorrow
Our analgesic to the scorching ache of our detrimental past
You were my asylum, as well as I was yours
We created an estranged world, a refuge for us alone
Man:
Have
you not seen that I was the merciless salt on your wound?
I
wasn't the cure but I was the catalyst on your slow death
Yes
you were my sanctuary, but I was your hell
In
your world I spread horrors
I
wasn't worthy to be your man at all
Woman:
Until in one of those twilight you unburden the hidden truth
You plunged deeply into my heart the dagger of veracity
I was just an ephemeral deliverance from your concrete existence
But never would I be your lifetime reality
Man:
For
I was eternally jailed to the terror of my past
To
which you were never a part
How
could I take you for granted when all you needed was to be loved?
But
if you were on my shoes would you rather walk the path?
Woman:
I have fallen once again in the delicate mesh of deception
Fate was ever so cruel to me
Man:
Fate was ever so cruel to me
I was forever the subject for its insanity
Woman:
For how could a fallacy finds a room where everything seemed so good and true?
Man:
Not until your departure that it was revealed to me;
The life indeed was full of ferocity
Woman:
For you I was just a sweet illusion, but for this I couldn't go on
Man:
What took so long the light in you?
When I finally saw it
Woman:
This is goodbye now, forevermore...
Man:
It
was out of my grasp anymore
I
love you...
Duped by Fate
(A reply to the poem 'Dissimulation')
by: Uel Ceballos
by: Uel Ceballos
This
is goodbye now forevermore...
For
I have lost myself again in the sea of deception
Forgive
me for pulling you down in my doomed world
Just
when I thought you could light up my world,
I
have darkened yours.
We
were both the darkness searching for the light
How
blind was I to not see? What have I done?
You
were strong as the stag but your heart was like the sand
Pristine
and granting, but weak to the cruel ocean.
Have
you not seen that I was the merciless salt on your wound?
I
wasn’t the cure but I was the catalyst on your slow death
Yes
you were my sanctuary, but I was your hell
In
your world I spread horrors
I
wasn’t worthy to be your man at all
For
I was eternally jailed to the terror of my past
To
which you were never a part
How
could I take you for granted when all you needed was to be loved?
But
if you were on my shoes would you rather walk the path?
Fate
was ever so cruel to me
I
was forever the subject for its insanity
Not
until your departure that it was revealed to me;
The
life indeed was full of ferocity
What
took so long the light in you?
When
I finally saw it
It
was out of my grasp anymore
I
love you...
Mga etiketa:
english poem,
literature,
poem,
poem writing
Sabado, Agosto 2, 2014
Labis na walang sukli
Ni: Uel Ceballos
Dahan-dahang pumipikit ang mga mata
Sa kanang kamay ay hawak ang pluma
Naghalo ang luha at tinta
Sabay umiyak ang langit, mata, at panulat
Para sa sikmurang dumaraing
Gusot na papel ang nakahain
Pang-sampung liham na lakip ay dasal
Sinelyuhan ng halik
Sampung magkakasunod na halik
na walang sukli
Humina ang pagpatak sa bubungan
Ang sikmura'y lalong humapdi
Pumailanglang ang bango ng pritong isda
Ulan, hapdi, amoy na malinamnam
Ngunit nangibabaw ang hapdi
Kumalansing ang kutsara't tinidor
Nagkulitan ang mga paslit sa kabilang dingding
Tumindig si Nora upang hipan ang kandila
Tinabihan ang bunsong humihikbi
Lumakas muli ang buhos ng ulan
Sabado, Hulyo 26, 2014
TraveLore: Ala Eh Sa Bundok Talamitam Na Tayo!
Hindi sapat ang mga salita upang
mailarawan ang karilagan ng bundok ng Talamitam. Sa buong pag-aakala ko’y hindi
na muling titibok pa ang aking puso (nagpapakatunog makata na naman ang
blog ko. Sareee naman!), subalit lumakas ang kabog nito nang masilayan ko ang
kagandahan sa itaas. Umibig ako sa kariktan ng kalikasan at siguro kahit sino
mang maton o siga sa kanto ang makatatanaw sa nakita ko at makalalanghap sa
hanging naamoy ko (isama mo pa ang aroma ng mga bomba ng baka at kambing) ay
mahahalina sa payak ngunit walang katumbas na obra maestra ng kalikasan.
Hindi kataasan ang bundok ng
Talamitam sa Nasugbu, Batangas. Ito ay nabibilang sa kategorya ng minor climb
sa taas nitong 630 MSL, tumatagal lamang ng isa’t kalahati hanggang sa dalawang
oras ang pagbagtas sa landas paakyat sa tuktok nito. Ang natatanging karanasang
kaakibat ng pag-akyat sa bundok ng Talamitam ay hindi patungkol sa tayog ng
taas nito kundi sa nakababatu-balaning kagandahang mayroon sa taluktok. Hatid
ng kabundukan ng Talamitam ang 360 degree na tanawing panlupa ng Batangas, para
sa akin ay mas kamanghang-mangha ang tanawin dito kumpara sa makikita mo sa
tutok ng bundok ng Batulao (blog kasi ng Talamitam ito kaya mas ibibida natin
siya ng kaunti kay Batulao).
ASEMBLIYA
Kasama ang aking mga dabarkads sa
kalokohan at akyatan (ng bundok, hindi ng bahay) nagtakda kami ng oras ng
pagkikita sa terminal ng Genesis Transport sa Pasay. Alas singko y media pasado
ay lulan na kami ng bus; bumiyahe ng dalawang oras habang maya’t maya’y
pinapaalalahanan si kuyang kunduktor na ibaba kami sa Sitio Bayabasan sa
Nasugbu Batangas. Nang sa wakas ay nakarating na kami sa aming destinasyon
bumungad sa amin ang isang kalsadang may tindahan sa dalawang magkatapat na
kanto. Inirehistro namin ang aming mga pangalan sa isang logbook na makikita sa
tindahang nasa kaliwang bahagi. Hindi niyo pa kailangang magbayad sa inyong
pagpaparehistro dito, gagawin niyo iyon sa registration camp sa jump off
paakyat ng Talamitam. Mula sa tindahan ni Aling Nena (ako lang ang nagbansag
nito) naglakad kami ng mga sampung minuto patungo sa totoong registration site
(hindi ko sinasabing peke yung una) at muling inirehistro ang mga pangalan
namin saka nagbayad ng beinte pesos. Nang maiabot ang bayad ipinakilala na kami
sa magiging gabay namin sa pag-akyat sa bundok, si Kuya Russel. Tatlong daang
piso ang bayad sa taong maggagabay sa inyo sa pag-akyat (round trip fee na yun para
sa day hike), may bonus pang kwento mula kay kuya at pakikisuyo na kuhanan kayong
magkakabarkada ng group picture.
ANG PAGBAGTAS SA DAAN PAAKYAT NG
TALAMITAM
Sinimulan na ang akyatan at
nakalabas na ang mga camera. Tinawid namin ang isang maliit na bahagi ng ilog
doon (mukha lang siyang sapa) gamit ang bagong gawang tulay na likha sa bamboo.
Salamat at tapos nang gawin nun ang tulay dahil hindi ko kakayanin iyong
sasayaw-sayaw at aalog-alog na lumang tulay nila, bukod sa aminado silang
delikado na iyon natrauma na din ako mula nang tawirin ko ang buwis buhay na
monkey bridge sa bundok ng Manalmon.
Pagkatawid ng tulay ay pinasok
namin ang gubat at binagtas ang medyo maputik at madulas na daanan. Naghalo ang
halimuyak ng mga ligaw na bulaklak, dahon, mamasa-masang balat ng kahoy, singaw
ng lupang naulanan at hamog ng isang umagang kay sariwa. Nariyan na bahagya
kaming nadudulas sa hindi naman matarik ngunit puro paahon na bagtasin kung
kaya maya’t maya din ang aming pagpapahinga. Dahil na rin siguro sa labis na
kahalumigmigan ng panahong iyon kaya medyo mabilis kaming mahapo at maghabol ng
hininga. Hindi naman kasi kami baguhan sa akyatan at hindi rin naman namin
tatanggapin ang dahilang tumatanda na kami. Mataas ang humidity ng mga oras na
iyon kaya bahagyang mahirap huminga sabayan mo pa ng puro paahon na daan, tapos
ang usapin sa mabilis na pagkahingal.
ALA-SWITZERLAND

Natapos na rin ang magubat at masukal na paglalakbay. Sumunod namang tumambad sa amin ang isang malawak na pastulan ala-Switzerland. Isang pastulan sa mataas na bahagi ng kalupaan; naaalpombrahan ng mga damong tingkad sa pagkaberde; pinaliligiran ng mga baka at kabayong nanginginain.
Wala pa man din kami sa itaas ng bundok ay makikita
mo na ang makapigil hiningang tanawin ng Batangas at katapat na bundok ng Batulao.
Sa pagtanaw naman sa direksyon ng bundok Talamitam, mabibighani ka sa angkin
nitong ganda at karinyo para sa lahat ng mga nilalang na nabubuhay sa paligid
niya. Marilag gayunpama’y hindi naghahambog sa kanyang postura, ang bundok
Talamitam ay isang obrang nakapinta sa bughaw na kanbas upang lalong magbigay
buhay sa luntiang kaparangan. Idinaan kami ni kuya Russell sa daanang matarik patungo sa tuktok ng bundok. Mas maikli raw kasi ang daanang iyon kumpara sa isa pang daanang hindi nga matarik ngunit mas mahaba at mas matagal lakarin. Tiwala ata si Kuya Russell sa tibay namin kaya pinili niya kaming idaan doon (o siguro’y gutom na siya kaya gusto niya nang madaliin ang pag-akyat). Tirik na ang araw ng mga sandaling iyon kaya umuusok na kami at natutusta na ang mga (dati nang tustang) balat namin. Hingal kabayo kami sa tuwing lilipas ang dalawang minuto, dahil uulitin ko bukod nga sa matarik ang daan masyado pa ring mahalumigmig ng mga oras na iyon (teorya lang namin ‘to huwag niyo na kong lecturan sa Science utang na loob).
SA TALUKTOK NG BUNDOK TALAMITAM
Makaraan ang ilan pang minuto ng
matutunog na paghingal at paghihikayat sa sariling katawan na “konti na lang
nasa itaas na” naakyat na rin namin ang taluktok eksakto alas diyes y media ng
gabi, este ng umaga pala. Nakatira ata ng katol si haring araw dahil ubod ang
pagka-aktibo niya buti na lang at handa kami sa aming mga Wonder Payong.
Salamat kay Benjar na nagmagandang loob na magbaon ng tinapay, San Marino Tuna at Wafer, nakapag-picnic kami sa itaas ng bundok habang humahanga sa tanawin ng bundok ng Batulao at Pico De Loro. Ang gandang pagmasdan ng luntiang kaparangan sa ibaba kung saan animo’y mga langgam lamang ang mga baka, kambing at kabayong walang sawa sa pagnguya ng mga damo.
Salamat kay Benjar na nagmagandang loob na magbaon ng tinapay, San Marino Tuna at Wafer, nakapag-picnic kami sa itaas ng bundok habang humahanga sa tanawin ng bundok ng Batulao at Pico De Loro. Ang gandang pagmasdan ng luntiang kaparangan sa ibaba kung saan animo’y mga langgam lamang ang mga baka, kambing at kabayong walang sawa sa pagnguya ng mga damo.
Kuha ng larawan dito, kuha ng
larawan doon, nais naming baunin ang karikitang iyon kahit sa pamamagitan
lamang ng lente ng aming mga kamera.
Iba talaga ang pakiramdam kapag
nasa tuktok ka ng bundok, nakalalango ang ganda ng kalikasan at perpektong
porma’t istruktura nito. Pakiramdam mo'y tanaw mo ang buong mundo, kahit na ba sa
lawak ng naaabot ng paningin ay tuldok pa rin iyong maituturing sa kabuuan ng daigdig
na ginagawalan natin. Masarap huminga sa itaas dahil sa wari mo’y naiwan mo sa
ibaba lahat ng mga pasanin mo sa buhay o siguro’y dahil isinambulat mo na iyon
sa hangin at ikinalat sa daigdig.
Isang bagay kung bakit masarap
umakyat ng bundok ay dahil sa mga positibong enerhiyang nababalot dito. Ako
bilang isang indibidwal hinahanap-hanap ko ang enerhiyang iyon at sa pag-akyat
ko ay nararamdaman ko ang kakaibang lakas na nagmumula sa mga elemento ng
kalikasan. Sa ganitong mga aktibidades, pakiramdam ko’y may isang bahagi ako na
muling naisisilang. . . pag-asa...tama iyon nga! Nagbibigay ng kakaibang
pag-asa ang kalikasan kaya siguro hinahanap-hanap ko lagi ang kabundukan dahil
nababalot ito ng buhay at sa buhay ay naroroon ang pag-asa!
BANLAW PAGOD SA KAILUGAN
Mga bandang alas onse y media ay
nagsimula na kaming bumaba. Saglit lang ang oras na ginugol namin kumpara sa
tagal ng iniakyat. Mas mabilis kasing bumaba maari ka ngang magpadausdos kung
nais mong mas bumilis pa. Mas mahirap talagang umakyat kung saan minsan
kailangan mo pang gapangin na paunti-unti at padahan-dahan bago ka makarating
sa itaas. Sa pagbaba, para ka lang nag-teleport mula sa tuktok papunta sa
paanan. Kailangan mo nga lang mag-ingat kung ayaw mong umuwing puro galos at
sugat dahil gumulong ka na parang sina Jack at Jill, went up the hill, to fetch a pail of water (uy, kinakanta na niya.)
Dinala kami ni Kuya Russell sa ilog
na malapit sa registration site. Mabato at maingay ang paligid gawa ng malakas na
pagragasa ng tubig. Doon sa bahaging mababaw kami nagtampisaw at
lumangoy-langoy na parang Janitor fish. Mabato ang paligid subalit
buhanginan ang nasa ilalim ng tubig. Hindi mo na aalalahanin ang madudulas
na batong naglulumot na kadalasang matatagpuan sa mga ilog.
Makaraan ang ilang minutong pagpapalamig sa ilog bumalik na kami sa registration site parang magbanlaw at magpalit ng damit. Beinte singko pesos ang bayad sa pakikiligo, buti't hinanapan kami ni Kuya Russell na ibang pagpapaliguan. Ang haba kasi ng pila pagdating namin doon sa site sinuwerte lang at maparaan ang aming gabay. Nang matapos sa pag-aayos ay nagpaalam na kami kay Kuya Russell at nagpasalamat, pagal na ang mga katawan namin ngunit labis kaming nasiyahan sa karanasang ibinigay sa amin ng bundok ng Talamitam.
Itinerary:
5 AM Assembly time at Pasay Bus Station
6 AM Departure going to Nasugbu, Batangas
8 AM Arrival at Brgy. Bayabasan, Nasugbu, Batangas
8:30 AM Start of trekking
10:30 AM Summit of Mt. Talamitam
11: 30 AM Start of descend
1: 30 PM River experience
2 PM Back at Registration Site / Banlaw time
3 PM Departure going to Manila
EXPENSES:
Breakfast 100
Bus fare from Pasay to Nasugbu 127
Registration fee 20
CR fee 3
Guide fee (300/3) 100
Tip 60
CR fee 25
Bus fare from Nasugbu to Manila 127
562
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)







